Si Efren At Ako

Kapit Mga Demonyo

 

Nakakatuwa talaga ‘tong si Efren.

Kahit muka syang tahimik eh hindi nawawalan ng kwento.

Sa ilang beses naming pagkikita ni Efren sa tindahan malapit sa amin, madami akong nalaman tungkol sa pagkatao nya. Unti-unti ko syang nakikilala, hindi man lubusan.

Kagaya nung isang araw may kasama syang isa na namang kaibigan. Pero ngayon ay hindi na sila magkaakbay.

Rogelio ata ang pangalan ng kasama kung tama nga na “Rogelio” ang dinig ko at hindi “Rodel”, “Roger” o “Roderick”. Ang alam ko talaga eh Rogelio ang pangalan nung kasama nya.

Isa palang drayber ng jeep ‘tong si Efren.

“Tama sa byahe p’re?” tanong ni Efren kay Rogelio.

“Hindi p’re” sagot ni Rogelio sabay iling.

“Bwisit ‘yung isa kong pasahero kanina eh.” patuloy ni Rogelio.

“Bakit naman p’re?” tanong ni Efren.

“Eh pa’no naghihintay pa ako ng pasahero dun sa may kanto at wala pa nga akong laman. Nabanatan ako ng tanong kung me hinihintay pa daw. Ang sabi ko meron pa. Naghihintay pa ako ng ibang pasahero at wala pa akong laman. Aba’y ano daw ba ang tingin ko sa kanya? Sabaw?” Napailing na kwento ni Rogelio.

“Eh anong ginawa mo p’re?” usisa ni Efren.

“Muntik ko ng pahigupin ng suntok sa nguso p’re. Pasalamat sya at mas malaki sya sa akin.”

“Ikaw ba? Tama sa byahe?” tanong ni Rogelio.

“May pang-boundary na, wala pang pangkrudo.” sabi ni Efren.

“Aba’y ruta pa ulit para sa pangkrudo.”

“Mamya na siguro at tumal pa ang tao sa daan.” sagot ni Efren.

“Balita ko nga pala p’re eh me nagreklamo sa’yong pasahero ah?” tanong ni Rogelio.

“Oo nga p’re eh”

“Bakit? Ano bang nangyari?”

“Nagmamadali ako nun p’re at baka malampasan ako sa pila eh.”

“O tapos?” tanong ulit ni Rogelio.

“Eh sabi nung isang pasahero; “Aba’y mama! Dahan-dahan naman ho. Parang hinahabol tayo ng demonyo ah?!”. Sabi ko’y; “Anla’y kaya nga ho binibilisan at para hindi tayo abutan!”.ย  kwento ni Efren.

 

Naniniwala ka bang basta driver, sweet lover?

Eh ‘yung screwed driver? Sweet lover pa rin kaya?

Pano kaya ang mga kundoktor at barker? Wala na ba silang karapatang maging “sweet lover”?

 

 

 

Advertisements

6 thoughts on “Si Efren At Ako

  1. duking

    iba ibang eksena, iba ibang kwento. kailangan kapag driver, laging kalmado at di mainitin ang ulo. kase hawak nila sa kanilang manubela ang papatunguhan ng biyahe natin.

    saludo sa magagalang at maingat na mga drivers!

    Sagutin
  2. salbehe

    Hey mikki youโ€™re so fine, youโ€™re so fine you blow my mind, hey mikki!

    Naaliw na ako kay Efren, ganyan din ang mga tric driver sa amin, parang hinahabol ng demonyo sa liko likong kalye samantalang patag at diretso ang (karamihan) ng daan sa amin.

    Mas naniniwala akong ang mga diver ang syang sweet lover, mas kompiyansa ako sa mga magagaling sumisid.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s