Sulat Para Kay Kuya

 

Tol, kamusta ka na? Matagal na tayong hindi nakakapagkamustahan ah? Kamusta na ba ‘yung inaaplayan mong trabaho? Tinawagan ka na ba ulet? Ayos lang ‘yan tol. Tuloy mo muna siguro ‘yung negosyo mo habang walang pang tawag sa’yo para at least eh kumikita ka kahit paano.

Naalala ko nga nung kabataan natin eh. Pinagpapasahan nyo ni Kuya ‘yung mga gamit ko. ‘Yung game-n-watch at radio watch na dala ni Ermat galing Hongkong, matapos n’yong sirain ‘yung sa inyo eh ‘yung sa akin naman pinagtripan nyo eh. Nasan na kaya ‘yun?!

Eh ‘yung burger na dala ni Erpat dati tanda mo pa?

Tanda ko pa rin ‘yun!

Kayong dalwa nga lang ni Kuya naghati dun eh. Iyak ako ng iyak nun dahil hindi ako nakakain. Pero napagdali naman kayo ni Erpat dahil sa katakawan nyong dalwa! πŸ˜€

Teka, kelan nga ba tayo huling nag-inuman?

Nung dumating sa bahay sila Pinsan hindi ka naman nakipag-inuman sa amin eh. Alam ko namang pulutan lang talaga ang habol mo sa mga ganung inuman pero kahit pulutan eh hindi ka dumampot eh.

Naalala mo ba dati nung hindi pa ako kasal?

Sarap lagi ng inuman natin nun eh. Palibhasa bihira lang tayo makaumpletong magkakapatid at makainuman si Erpat. Sarap ng pulutan natin nun! Gotong Kalabaw! Lasing ka lagi nun sa kolesterol eh. Pano nandadaya sa tagay. Puro pulutan ang inuupakan mo.

Napansin ko nitong mga nakaraang araw eh bumabalik na naman ang ugali mo ah? Bumalik ka na naman ba sa dati mong bisyo?

Naalala ko tuloy nung napagbuhatan ka ng kamay ni Erpat dahil dun eh. Kilala mo naman si Erpat. Bihira syang magsalita pero lalatay sa katauhan mo ang bawat salita nya.

Hindi ko alam kung maaawa ako sa’yo nun o ano eh. Syempre masakit ‘yun. Balugbugan ka ba naman eh.

Pero sa tingin ko walang mas sasakit pa sa naramdaman ni Erpat nung ginawa nya ‘yun sa’yo. Kahit hindi sya magsalita alam naman natin kung gaano nya tayo kamahal. At syempre masakit para sa isang ama na tulad nya na makita ang anak nya na napapariwara ang buhay dahil parang hindi nya ito nagagabayan ng ayos.

Nakamusta mo na nga pala ulet ang mga anak mo?

Tol, lumalaki na sila.

Ang panganay mo alam na ang mga nangyayari sa paligid. Ang bunso mo sang ilan pa at alam na din nyan ang mga nangyayari.

Naalala ko tuloy nung umalis ka nung isang araw. Tuwang-tuwa ang bunso mo dahil aalis ka na naman daw. ‘Yun pala eh bibigyan mo sya ng pera kaya natutuwa.

Ayos na ba sa’yo ang ganun?

Tatapatan mo ng pera ang bawat sandali na dapat eh kasama mo sila?

Tol, ayokong sermunan kita dahil iginagalang kita bilang nakatatanda kong kapatid pero sana naman eh ipakita mo sa akin na dapat talaga kitang irespeto hindi lang bilang kapatid ko kundi bilang tao.

Dati nung nasa hayskul pa ako, laging sinasabi nila Ermat na mana daw ako sa’yo. Na susunod daw ako sa mga yapak mo.

Siguro dahil maaga akong napabarkada, natutong mag-yosi at mag-inom.

Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi kita gagayahin.

Dahil n’un pa man eh alam ko na ang mga kalokohan mo.

Sinabi kong hindi ko susundan ang mga yapak mong ‘yon.

 

Alam mo ‘tol pagminsan nirerespeto na lang kita bilang kapatid ko eh. Pero bilang tao, nawawala na. Hindi ko na kasi gusto minsan ang mga hirit mo eh. Lalo na pagdating kay Ermat.

Naalala mo ba dati nung me ginagawa sya at me sinasabi ka?

At ang huli mong sinabi sa kanya eh: “Kung anu-ano pang sinasabi nyo eh! Sabi nyo na lang kung ayaw nyo!”.

UUUUU…tang na loob!

Kung hindi lang talaga dahil kapatid kita eh baka napatulan na kita n’un.

‘Wag ganun ‘tol.

Sa tingin ko walang sinumang anak ang pedeng magsabi ng ganun sa kanyang magulang. Dahil kahit ang isang anak eh pinapakain ang kanyang magulang sa kanyang palad, mas malaki ang utang na loob ng anak sa magulang.

Hindi matutumbasan ng anumang halaga ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak kaya wala tayong karapatan bilang anak na bastusin ang ating mga magulang.

Alam ko naman ‘tol kahit ako minsan eh hindi ko maiwasang hindi makasagutan si Ermat. Iba kasi ang idealismo natin kesa kanya. Kaya lang, hindi ko naman ata kayang magsabi sa kanya, lalo na kay Erpat, nung sinabi mo.

Tol, inuulit ko, hindi kita sinesermunan. Pinapakita ko lang sa’yo ang mga bagay na alam hindi mo na ata nabibigyang pansin.

Alam kong kinukulang ka na ng oras sa mga anak mo. Kaya siguro napapagsabihan ko din sila na madalas eh. Kasi gusto kong maramdaman nila na kahit wala ka eh me mga tao pa ring gustong magtama sa mga pagkakamali nila.

Hindi ko man sila mga tunay na anak, itinuturing ko pa rin silang mga anak para magabayan ko sila ng tama.

Tol, hindi pa huli ang lahat para sa’yo.

Ayusin mong ang pamilya mo, ang buhay mo, ang pagkatao mo.

Pede mo ulet ako kwentuhan. Kahit parang awkward kung minsan, dadainin natin sa ma-“boteng” usapan.

Alam kong hindi ka makapagsabi kila Erpat at Ermat ng mga bagay-bagay dahil masesermunan ka lang. Kasama talaga ‘yun. Maging malambot ka kasi. Lagi ka kasing nagmamatigas eh. Ayaw mong tumangtanggap ng pagkatalo eh. Wala ka din naman kasing magagawa kung magmamatigas ka dahil sa bandang huli eh sila pa rin ang tutulong sa atin.

Matuto ka lang makinig.

Nga pala ‘tol,

HAPPY YIPEE YEHEY BIRTHDAY!

Isang taon na naman ang dumagdag sa’yong edad at sana eh magsimula na din ‘to nagpagbabago mo.

Isang kampay para sa’yo Tol!

Para sa bago mong simula!

 

P.S.

Tol, pasensya ka na at wala akong budget ngayon para sa Tanduay Ice na request mo. Pagtyagaan mo muna ang Fundador. Pagka isang araw na lang ‘yung request mo.

 

Advertisements

4 thoughts on “Sulat Para Kay Kuya

  1. J. Kulisap

    Ito na ang sulat na puno ng pagmamahal sa kapatid.
    Salamat sa pang-unawa mo at sa pagmamahal mo sa mga inakay ng kuya mo.

    Napapatid ang sinulid pero pwede ibuhol, para masulsihan ang mga sira-sirang damit. πŸ™‚

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      honga sir j.kul basta wag lang magkaiba ng kulay… πŸ™‚

      nakita ko na nga pala hitsura mo sir j.kul…
      hindi ko lang sigurado kung ikaw nga ‘yon pero feeling ko ikaw ‘yun! πŸ˜€

      Sagutin
        1. mikkimao May-akda ng Post

          hahahahahahaha!
          maari nga pero wala atang makakatulad ang kulot mong buhok sa kilay…
          πŸ˜€
          ‘wag kang mag-alala boss…
          nirerespeto ko ang privacy mo…
          πŸ˜€

          Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s