Tell Me Something About Your Self

Sa ilang beses kong pagpapaunlak ng interview sa akin ng ilang kumpanyang gustong kuhanin ang serbisyo ko bilang isang mabait nilang taga sunod, ilang beses din akong natanong/sinabihan ng: “Tell me something about yourself”.

Mula ng matuto akong mag-apply sa mga kumpanya at magpaunlak sa mga inteview nila, hindi ko pa rin talaga alam kung bakit hindi ko pa rin alam ang isasagot ko kapag tinanong/sinabihan ako ng ganito.

Hindi ko alam kung tangahin ako para hindi makasagot dito o tanga lang talaga ako.

Napapaghandaan ko naman minsan ang mga ganitong tanong pero madalas nga lang eh talaga eh wala akong matinong sagot na maibigay.

Ilang beses ko na kasing naranasan na sa tuwing tatanungin ako ng ganito eh parang pop quiz ang dating. Parang out of nowhere eh biglang itatanong.

Interviewer: (binabasa ang resume ko, cover-to-cover) So, your a graduate of B.S. Business Management major in Bribery.

Ako: Uhhmm… Yes po!

Interviewer: Ah… So, you’re from Loyola Memorial School.

Ako: Uhhmm… Yes po!

Interviewer: You can eat three dozens of fresh eggs in less than a minute. You love to play with your bird in the morning while you’re having your coffee. You can type 3,000 words a minute in your mind, eyes closed.

Ako: Uhhmm… Yes po!

Interviewer: Now, can you please tell me something about your self.

Ako: Uhhmm… Po?

Puting ama naman!

Matapos basahin ang resume ko eh sabay babanatan ako ng ganun!

Hindi ko malaman kung ano pa bang ang hindi ko pa nasasabi sa resume ko.

Me nakalimutan ba akong skills ko o objective ko?

Hindi ko alam kung ‘yung tunay ba ang sasabihin ko:

Interviewer: Now, can you please tell me something about your self.

Ako: Uhhmm… Actually Ma’am… I’m an undergraduate… My school diploma and certificates of employment are all made in Recto… I even don’t know how to speak in english… I can’t understand what am I saying to you right now… I’m just reading this piece of paper…

At hindi ko rin alam kung puro kayabangan ang sasabihin ko:

Interviewer: Now, can you please tell me sonething about your self.

Ako: Well, I’ve been with other multi-million company. And if you’ll ask me what happened, when I made them successful, I look for other small company like yours and help them to be successful in their industry. I already made my family’s company very successful so I’m looking for other company that I can help. Actually, I don’t need this job. I’m bored already in traveling around the world and decided that I should have other past time than playing golf, scuba diving and country hopping. I think you should join me sometime.

Pero dahil naguunahan ang kayabangan at katotohanan sa utak ko, iba pa rin ang lumalabas sa bibig ko:

Interviewer: Now, can you please tell me something about your self.

Ako: Uhhmm… Well… I’m Efren D. Magtibay… from Brgy. Putatan, Muntinlupa City… I’m a graduate of B.S. in Business Management major in Bribery at Loyola Memorial School. My parents are Eduardo Magtibay and Euphrecia Dimagiba… I’m 25 years old… My hobbies are reading comics and sleeping… I thank you…

At pagkatapos kong sabihin ‘yon, titingnan ulit ng nagiinterview ang resume ko, sabay abot ng kamay at sabing:

Interviewer: (nakikipagkamay sa akin) Thank you Mr. Efren Magtibay. Nice meeting you. Please don’t call us, we’ll call you.

Ako: (naka-smile at nakikipagkamay din) Thank you po.

Habang nabyahe na ako pauwi eh saka ko lang maiisip na mali ata ang sagot/sabi ko. Dapat ata eh “You’re welcome” ang sinabi ko.

Hindi ko alam kung bakit kelangan pang itanong/sabihin ang “tell me something about your self” sa isang job interview. Binabasa naman nila ang ang resume na isang aplikante. At syempre, isusulat nung aplikante sa resume nya ‘yung mga alam nyang plus points sa kanya.

Parang mas bagay ata na itanong ng isang tao ‘to sa kanya manliligaw.

Meron na kayang nagtanong ng ganito sa isang manliligaw?

*Suited/Suitee: Sige JR, bago mo malaman ang sagot ko, tell me something about your self.

Suitor: Ahh… ‘Lam mo sa totoo lang, hindi naman talaga akong nakatapos ng pag-aaral eh… Pa extra-extra lang ako. Parang part-time ba. Part-time snatcher part-time holdaper… Pero ‘wag kang mag-alala… Kaya kitang buhayin… Full-time kriminal naman ako eh… Kung sa past time o hobbies naman, madalas akong makapiglaro ng habulan tsaka taguan sa mga pulis… Minsan naman relay sa mga kasabwat ko… Relihiyoso din akong tao… Madalas ako sa Baclaran Church lalo na pag-Miyerkules at sa Quiapo Church naman pag Biyernes… Pero kapag wala ako dun nagdadasal pa rin ako at tumatawag sa mga santo, lalo na kapag pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan sa mga pulis at ramdam kong mahuhuli na ako…

(*-hindi ko alam kung ano ang tamang term)

 

Naisip ko, ngayon lang, kaya siguro ito tinatanong sa job interview eh para malaman ang integridad ng isang aplikante. Baka nga naman kasi iba ang nagawa ng resume nung aplikante at inaalam lang nila kung tama ba ang impormasyon na nakasulat dun sa resume at sa pagkakaalam ng aplikante.

Iniisip ko na naman ngayon kung pano ko nga ba sasagutin ang ganitong tanong. Hindi ko kasi masabi kung biglang me mag-imbita na naman sa akin ng interview at hindi ako makatanggi ay mapagbigyan ko.

Ikaw, tell me something about your self.

 

Advertisements

14 thoughts on “Tell Me Something About Your Self

  1. myfilthyroom

    kapag tinatanong ako ng ganyan, todo buhat ako sa upuan ko: ako si jerick, ang kyot kyot ko daw sabi ng mama ko, ang sarap sarap ko daw sabi ng workmates ko, ang galing galing ko daw sabi ng ex ko…

    pero joke lang yon… hahaha

    Sagutin
  2. duking

    ah, gusto lang nilang malaman kung anu yung magagandang bagay na meron ka para may idea sila na yung mga wala sa binaggit mo ay kaangian mo naman na medyo wala silang idea.

    like pag sinabi mong go getter po ako at result oriented, ibig sabihin nun, ikaw yung tipong handang mag balot ng pagkain sa mga christmas party at handang palakihin ang manhour at overtime sa kompanya para sa trabahong alam din nilang kakatamaran mong gawin agad kahit madali. hehehe!

    Sagutin
  3. davmel

    Hi Mikkimao ang kulit ng post na ito hehehe, medyo napapanahon namanb ang mga job interviews lalo pat maraming gagraduate this coming month…

    Taga Muntinlupa kaba sir? hehehe medyo tugma rin ung post ko sa mga kakulitan mo dito tulad ng snatcher 😀

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat Sir Davs!
      kung hindi mo pa sinabi eh hindi ko maaalalang graduation march na nga pala ngayon…hehehehe….

      taga batangas po ako pero madalas din mapasyal ng alabang dahil yan ang pinakamalapit na maynila sa amin…

      it’s good to hear from you again sir davs!
      😀

      Sagutin
  4. salbehe

    Kapag ganyan na daw ang tanong sa iyo, dapat magsabi ka ng kung ano man ang wala sa resume mo. Kung anong hobby mo, family, places you’ve been, aspirations and dreams, o favorite sex position.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      kung sasabihin ko ang favorite sex position ko, malamang hindi missionary ang sasabihin ko dahil sobrang common na ‘yun at baka maging dahilan pa para hindi ako matanggap… 😀
      pede na siguro ang cowgirl o reverse woman on top!
      😀

      Sagutin
  5. Pong

    Agree ako kay Kuya Kulisap, ang pag-aapply at interview ay pagbebenta ng sarili. Ibabalot sa magandang packaging at habang binubulatlat ay mas makikita dapat nilang may laman. Palagay ko, hindi naman iyon payabangan.

    I’m Pong. I know how to play Ping-Pong.
    xD

    Sagutin
  6. Daniel P. Yuson Jr

    @ Mikkimao..!
    i love this post..!
    tawa ako nang tawa..!
    ang galing mo mr efren magtibay..!
    tell me something about yourself..!
    dapat siguro…
    sinabi mo sa kanila yung..:
    fave color mo..,
    fave singer..,
    fave local actor..,
    fave brand ng shampoo..,
    at..,
    first kiss..! 😆

    Sagutin
  7. iM khAt

    3 dozen of fresh eggs in a minute? Ano to ginagawa mong juice..haha

    di ko pa naranasan yan kc di pa naman ako nakakagraduate, sa 2012 pa.
    Pag tinanung ako nyan, ang isasagot ko eh “I can sing, i can dance, so contract release, please!!” haha jk

    Sagutin
  8. J. Kulisap

    the purpose of your job application is to sell yourself. The more na magaling kang magbenta, may chance ka na.
    It is the interviewer’s way to test how clever you are. Once na nahire ka na, you are expected to deliver what is being asked from you.

    I am Kulisap, writing what are in my thoughts, I’am a listener rather than a speaker. I’m not perfect in many ways but I am human.
    Errr…ekkkk.ekkkk….saan ko nga ba binasa yang sinabi ko. Buhahahahhaa

    Basta ako ay ako. Kung ayaw mo sa akin huwag. Sana ganyan ang balik kapag sinabi ng interviewer na don’t call me I’ll call you, buhahahah ulit

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      sinasabi ko na nga ba eh… kaya hindi talaga ako pedeng maging sales man o maging bugaw eh… kung ang sarili ko nga hindi ko maibenta, ibang bagay pa kaya?! 😀

      Nice meeting you Mr. Kulisap. Is there any talent you want to show us?
      😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s