Si Efren at Ako

Dun Sa May Tindahan

 

Hindi ko sya kilala at siguradong hindi nya din ako kilala. Nagkikita kami at nagkakasalubong pero bukod dun eh wala na. Hindi ko nga alam kung san sya nakatira pero lagi ko syang nakikita sa tindahan na lagi kong tinatambayan.

 

Tahimik syang tao pero wala sa muka nya. Hindi ko alam kung pano ko nasabi. Siguro dahil trip ko lang sabihin. Hindi ko alam kung estudyante din sya sa eskwelahang pinapasukan ko pero siguro eh hindi kasi hindi ko naman sya nakikita sa loob ng campus. Dun lang talaga sa may tindahan na malapit sa bahay namin ko sya nakikita.

 

Sa minsang pagtambay ko sa tindahan, nakita ko si Efren na may kasamang isang kaibigan. Kaibigan nya ‘yon malamang kasi magkaakbay pa sila. Hindi masagwang tingnan kung magkaakbay ang dalwang lalaki lalo na kung lasing. Mas masagwa atang tingnan kung magkaholding hands sila.

 

Si Bernard ang kanyang kasama.

 

Hindi ko din kilala si Bernard. Narinig ko lang na “Bernard” ang tawag nya sa kasama nya kaya inisip ko na “Bernard” nga ang pangalan nito. At wala akong pakialam kung iba ang tunay nitong pangalan basta “Bernard” na lang din ang ipapangalan ko sa kanya para hindi na ako mahirapan.

 

“P’re, balita ko napaaway ka daw ah?” tanong ni Bernard habang umiinom ng sopdringks.

 

“Oo nga p’re eh. Kalhating araw nga kaming nagsuntukan ni Brando” paliwanag ni Efren.

 

“Grabe naman ‘yun p’re. Anong bang pinag-awayan nyo?”

 

“Eh pano, me magandang chikas ‘tong si Brando eh. Maganda p’re tas ang puti pa. Diniskartehan ko ngayon. Eh mag-jowa na pala sila. Nalaman ngayon ni Brando. Eh di kinompronta ako ni Brando, ang tanong sa akin eh, “Hoy! Efren! Nililigawan mo ba ‘tong syota ko?” Akala naman nya eh masisindak nya ako. Sumagot ako: “Oo. Bakit?!” Pinagtaasan ko din ng boses p’re.”

 

“O? Tapos?” tanong ni Bernard.

 

“Eh di bigla akong sinuntok ni Brando. Mabuti na lang kamo p’re magaling akong umilag. Eh di panay ang ilag ko.” Sabi ni Efren.

 

“Eh bakit puro pasa ang muka mo?” kamot-ulong tanong ni Bernard.

 

“Tangna p’re! Eh panay din ang tama eh!” sagot ni Efren.

 

S’ya si Efren.

 

At ang kasama nya ay si Bernard.

 

Dalwang nilalang na minsan kong nakitang palapit sa tindahan na tinatambayan ko.

Magkaakbay pero hindi magka-holding hands.

Pero bakit nga kaya masagwa ata kung dalwang lalaki eh magka-holding hands?

 

Advertisements

12 thoughts on “Si Efren at Ako

  1. Pong

    Patriarchal at Macho image kasi diyan sa atin.
    Dito sa disyerto alam mo ba na nagtsi-cheeks to cheeks at holding hands ang mga lalaki dito, even nose to nose. Pero walang akbayan.
    Iba na ang tumatambay sa tindahan maraming kwentong nalalaman.
    XD

    Sagutin
  2. salbehe

    Those strangers we know. Yung mga taong halos araw araw mong nakikita na feeling mo kilala mo na. Napag-usapan din namin ang holding hands ng mga lalake, nakakataas nga ng kilay. Pero ngayon pati holding hands ng babae tumataas na din ang kilay ko. Hindi basta naghoholding hands ay magbestfriend.

    Sagutin
  3. duking

    hahaha!

    pag sa simbahan ok lang lalo na kapag ‘ama namin’ na ang aawitin. sa tindahan…errr. masagwa nga talaga. may kung anu kasing iniuugnay sa paghahawak ng kamay.

    tawagin na lang natin na broke back mountain friend si bernard at efren. mga astig na cowboy, pero still, love is a force of nature pa din.

    hahaha pa ulit!

    Sagutin
  4. YanaH

    pwede ko bang sabihin na parang tanga lang?
    o ayan, parang tanga lang!
    hahaha adik!

    Tahimik syang tao pero wala sa muka nya. Hindi ko alam kung pano ko nasabi.
    ——ang judgemental mo! bwhahahaha

    Kaibigan nya β€˜yon malamang kasi magkaakbay pa sila. Hindi masagwang tingnan kung magkaakbay ang dalwang lalaki lalo na kung lasing. Mas masagwa atang tingnan kung magkaholding hands sila.
    —–pwede rin namna na magjowa, nagpapanggap lang na magkaibigang lasing kapag nasa publiko. sa Middle east, ung mga Pana (pakistani) at Itik (indiano) naglalakad silang magkaholdinghands.. HHWWSS pa ang drama nila.

    “Kalhating araw nga kaming nagsuntukan ni Brando
    —–jusme! ang productive naman ng araw nya… half day na nakipagsuntukan o nakipag-ilagan? *eye roll*

    uulitin ko ulit…

    parang tanga lang..
    hahahahaha

    gud ebning! πŸ˜›

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      akshuwali, hindi mo pedeng sabihin pero dahil nasabi mo na, pagbibigyan kita… πŸ˜€

      akshuwali ulet, kalahating araw syang nagpasuntok… pa-tama ata ang ilag nya eh… hindi paiwas… πŸ˜€

      magandang madaling araw! πŸ˜€

      Sagutin
  5. J. Kulisap

    Natatawa ako, ang layo ng tanong mo sa topic mo. Timang ka talaga. πŸ™‚

    Depende yan sa motibo.

    Ako halimbawa mahilig akong umakbay pero ayaw ko na akong ang aakbayan. πŸ™‚

    Sa ibang bansa, uso naman ‘yan. Dito kasi sa atin sa Pilipinas, nangingibabaw yong “macho” image, kaya ganun, masagwa ang mga pangyayari na hindi normal sa ating paningin.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ahahahahahahaha!
      pasensya na boss at mejo nalasing sa zonrox ng gawin ko ‘tong post na ‘to… πŸ™‚

      eh bat ayaw mo namang inaakbayan ka?

      paakbay nga ng isa sir! πŸ˜€

      Sagutin
      1. J. Kulisap

        Hindi ako komportable na ako ang inaakbayan, parang nasasakal ako. Siguro kung iisipin ko, baka ganun talaga ako. Mas gusto ko ako ‘yong may kontrol kesa sa ako ang kinokontrol ng kapuwa ko.

        tingin ko lang naman. πŸ™‚

        Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s