Dasal, Pakikiramay, Pagkakaisa At Pag-asa

Kaninang hapon, tumama ang 8.9 magnitude na lindol sa Japan. Kasunod nito ay isang 10 meter high na tsunami ang sumalanta sa kanila at naglabas din ng tsunami alert sa iba’t-ibang bansa sa mundo na nakaharap sa Pacific Ocean kabilang na ang Pinas.

Hindi ko na siguro kailangang idetalye ang iba pang impormasyon tungkol dito dahil nasa balita na ‘yan at makikita mo na sa iba pang websites sa internet ang mga impormasyon tungkol d’yan.

Matapos ang mga sunod-sunod na kaguluhan sa mga bansa sa Middle East, ang malakas na lindol at malaking tsunami na tumama sa Japan, ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin at ang hindi pa rin pagtaas ng sweldo ng mga empleyado, lumabas na muli ang mga hakahaka tungkol sa nalalapit na pagkagunaw ng mundo.

Sinasabi sa pelikulang 2012 na nakabase ang istorya sa propesiya ng mga Malay, sa December 21, 2012 daw ay magugunaw na ang mundo sa pamamagitan ng isang malaking pagbaha o tsunami.

Kung wala kang pananampalataya o mahina ang ‘yong pananampalataya, pedeng maniwala ka pelikula o propesiyang ‘to.

Hindi ko kinukwestyon ang ‘yong relihiyon o pananampalataya.

Ayon sa Alamat ng Bah aghari, ito daw ay sumisimbulo na hindi na muling gugunawin ng Amang Lumikha ang mundo sa pamamagitan ng baha. At ito ay nasusulat din sa libro ng Genesis sa bibliya.

Hindi ako masyadong naniniwala sa mga ganitong propesiya.

Una, dahil malakas ang aking pananampalataya at paniniwala sa Amang Lumikha. Sabihin na nating hindi ako palasimba katulad ng marami sa atin at marami din akong kasalanan pero hindi ito nangangahulugan na wala akong paniniwala at pananampalataya.

Pangalawa, ibinabase ko ang mga pangyayari sa lohikal na paraan na alam kong mas madali kong paniniwalaan at hindi magpapasakit ng ulo ko. Maaring sumasagi sa isip ko ang mga bagay na gaya ng mga propesiya ngunit dahil karamihan dito eh maaring magpasakit lang ng ulo sa kaiisip at magbigay sa akin ng kaba, minabuti kong ‘wag na lang masyadong isipin ang mga ‘yon.

Pangatlo, ang pagkagunaw ng mundo ay katulad din ng kamatayan,lindol , pagnanakaw, pagkarnap at kung anu-ano pang krimen ay walang sinuman ang pedeng magsabi kung san at kailan darating.

May mga natuklasan sa iba’t-ibang bahagi na mundo ay madaming natagpuang bagay na hindi maipaliwanag ng syensya.

Isa na dito ang mga baterya na nakita sa Iraq na sinasabing ginawa noong 200 hanggang 500 A.D. pa, daang taon bago pa madiskubre ni Benjamin Franklin ang kuryente.

Tulad din ng mga gusali sa Peru na may inter-locking device na sinasabing 17,000 na ang edad.

Ibig sabihin lang ng mga ‘to na maaring nadiskubre na nang mga sinaunang tao ang mga ganitong klaseng teknolohiya pero dahil kaunti lang ang naniniwala sa mga unang nakadiskubre nito, hindi ito naging masyadong sikat at nang dumating ang bagong henerasyon, saka lang ulit ‘to pinasikat.

Maari din namang nagkamali ang mga seyantipiko at archeologist sa pagtantya sa edad ng mga ito o pede ring mali sila sa pagsasabi na ang mga ganitong klaseng teknolohiya o gamit ay nadiskubre lang o naimbento nung middle ages.

At matapos ang mahaba at walang kwenta kong paliwanag, mabalik tayo sa propesiya ng Malays tungkol sa pagkagunaw ng mundo.

May ilang nagsasabi na pedeng nagkamali ang mga nag-interpret sa propesiya ng Malays. Sinasabi nila na maaring ang petsa na nakasaad sa propesiyang ito ay nakalipas na o maari din daw na daang taon pa ang bibilangin bago mangyari. Ibig sabihin hindi nila masabi kung sa December 21, 2012 nga ang eksaktong petsa ng pagkagunaw ng mundo.

Isipin mo, kung alam nilang sa December 21, 2012 nga ang pagkagunaw ng mundo, bakit hindi nila nasabi kung anong oras ito mangyayari?

Kung tutuusin, hindi na bago sa atin ang isyu ng tungkol sa pagkagunaw ng mundo.

Bago pumasok ang taong 2000, sinabi ng ilan na taong 2000 daw ang pagkagunaw ng mundo. Pero matapos ang sampung taon, andito pa rin tayo. Maliban na lang siguro sa mga taong sawi sa pag-ibig na sinasabing nagunaw ang mundo nila nung iwanan sila ng jowa nila o mabasted sila.

Sa mga nangyayari ngayon sa paligid natin, hindi na siguro natin kailangan pang hintayin ang December 2012 ang pagkagunaw ng mundo dahil tayo na mismong mga tao ang gumugunaw dito.

Kung hindi sa pagiging gahaman ng ilan sa kapangyarihan, hindi siguro magkakaroon ng kaguluhan sa Middle East na nagdulot ng lalong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kung hindi sa pagiging gahaman ng ilang may-ari ng malalaking kumpanya ng petrolyo, hindi siguro nila sasamantalahin ang pagkakataong ito para lalong itaas ang presyo ng kanilang mga produkto na sya namang nagiging hudyat para tumaas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin at pamasahe.

Kung hindi sa dahil pagiging balahura ng ibang tao na basta na nakapagtapon ng mga kalat nila kung saan-saan, ang walang pakundangang pagsira sa kalikasan, ang walang disiplinang pag-gamit sa kuryente at tubig, hindi sana magiging mabilis ang pagdating ng global warming.

Sa mga ganitong pagkakataon, wala mas magandang gawin kundi magkaisa tayo at magdasal.

Kahit ano man ang relihiyon mo.

Kristyano, Islam, Budismo, Pagano.

Kahit pa sino ang kinikilala mong panginoon.

Si Papa Jesus, Allah, Buddah o Justin Bieber.

Dasal at disiplina at pagkakaisa. ‘Yan ang magandang sandata.

‘Wag kang mawalan ng pag-asa sa mga nangyayari sa paligid mo, may magagawa ka pang magandang pagbabago. I-click mo lang ‘to at bomoto.

Isang taos na pusong pakikiramay para sa mga nasawi sa Japan at isang taimtim na dasal para sa kaligtasan ng marami.

Advertisements

12 thoughts on “Dasal, Pakikiramay, Pagkakaisa At Pag-asa

  1. duking

    tol mikki, sa Mayan calendar nag ugat ang haka haka ng 2012. short info rin, sabi dun sa dokumentaryo na napanood ko, yung unang pagkagunaw daw, na wipe out yung dinosours, yung pangalawa naman, yung mu or lemuria na mas pamilyar sa atin bilang nawawalang sibilisasyon ng atlantis, tas eto ngang 2012.

    dati pa namang may mga kalamidad. hindi natin to mababago, tanging kahandaan lang natin at pagtanggap na nabubuhay tayo sa mundo na walang kasiguraduhan ang tangi nating maaaring panghawakan bilang mamamayan ng planetang ito.

    haba pa ng paliwanag ko. gusto ko lang namang sabihin na mabilis sanang maka recover ang mga hapon at huwag sana sa atin mangyari ang ganung kalamidad. tingin ko, hindi tayo ganun kahanda sa level ng pagiging isang bansa na gaya ng japan.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      sa tingin ko eh hindi din tayo handa sa ganyang kalimidad dahil sa building pa lang eh mas matibay ang sa taga-Japan. at maging sa disiplina man eh di mas hamak na mas handa sila.
      walang nakakaalam kung kelan talaga tayo mawawalang lahat kaya mas maganda kung maging handa na lang tayo.

      magandang araw sa’yo tol duks! 😀

      Sagutin
  2. Pong

    Isa sa mga batas ng kalikasan na kahit anong talino ng tao ay hindi pwedeng pigilan.
    Dahil naniniwala ako na may Diyos, isa lang itong paalala na fragile ang buhay natin bilang tao, at may nagkokontrol ng lahat. Kung bakit nangyari di ko din alam.
    Basta kaisa ako sa mga umaasa at nananalangin para sa kaayusan ng lahat!
    Great post boss!

    Sagutin
  3. cinco

    natakot ako nung napapanood ko sa Tv ang nangyari sa Japan, nabasa ko naaman na nabanggit mo ang issue ng pagkagunaw, sana hindi yun totoo, at isa pa samahan mo akong magdasal para sa kanila

    Sagutin
  4. J. Kulisap

    Ito ang una kong nabasa sa pagbabloghop.
    Hindi ko na rin pahahabain pa ang aking komento, baka maumay na ang mambabasa mo.
    Sabi ko nga ang mundo ay parang damit lamang, kapag bago matibay, kapag luma na, napupunit at dapat sulsihan para magamit pa.
    Ang lindol at iba pang mga kalamidad ay bahagi ng mundo, bilang taong nag-iisip at buhay, hindi natin lubos na maunawaan kung bakit nagaganap pero kapag oras na natin, hindi na tayo makakatakas pa.
    🙂

    Magandang hapon boss

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat naman at dito ka unang napadpad…hehehe…

      tama ka Boss J.Kul. ang mundo ang parang damit lamang, kapag bago matibay, kapag luma na, napupunit at dapat sulsihan para magamit pa, at parang damit din na minsan ay kinukusot ng mga lindol at binabanlawan ng tsunami. 😀

      Magandang gabi Sir! 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s