PANAWAGAN: Ipaglaban mo ang sariling bayan!

 

Isang buwan na ata ang nakakalipas nung makisali ako sa isang panawagan na una kong nabasa sa bahay ni Sir J.Kul.

Ilan ang nagbigay pansin sa papansing ginawa ko, pero may isang komento akong natanggap na mahirap atang hindi bigyang pansin dahil ito ay galing mismo sa isang tao na direktang naaapektuhan ng isyung nais kong ibahagi sa’yo.

Ito ang kanyang sabi:

 

Ipaglaban mo ang sariling bayan!

Ako po ay isang palaweño taos puso po akung nakikiramay sa pamilya ng ating mahal na taga pagtanggol ng bayan Dr.Gerry Ortega.

Nalungkot po ako ng sobra ng mabalitaan ko ang ngyari ky Dr. Ortega bigla kung naisip cnu pa kaya ang susunod sa hakbang na kanyang ginawa ang ipagtanggol din ang sariling bayan. ako’y sobrang nag aalala sa darating pa na mga araw ,buwan at taon kung anu na ang mangyayari sa mahal nating bayan dahilan sa tuloy tuloy na pagmimina sa aming lugar malala ko nung bata pa ako lagi ang ulam namin sugpo,alimango,bangus at tilapia kapag wala c tatay at kapag malakas ang alon sa laot yan ang ulam namin ngayon wala na bihira na akong nakatikim ng camaron at alimango ang mga paborito kung kainin ay untiunti ng nawawala i don,t know why!pero isa lng ang nasa isip ko ito na ang naging effect ng pagmimina sa aming lugar kc ang ilog namin ang cyang daluyan talaga ng tubig papunta sa dagat na aming pinaghahanap buhayan….kaya po sa mga taong may katungkulan at may pagmamalasakit sa bayan taos puso po akung nananawagan sa inyo na tulungan nyo po kaming pahintuin ang pagmimina sa aming lugar Pres. Noy tulungan nyo po kami sa problema ng aming lugar marami na pong mga tao ang lalong naghirap sa kadahilang ang dating pinagkkakakitaan namin ngayon ay wala na sana po sa ganitong paraan ay matulungan nyo po kami …..

maraming salamat po.
lon

Habang binabasa ko ang komentong ‘yan, nakikita ko sa isipan ko ang mga sinasabi nya — lalo na ‘yung sugpo at alimango dahil paborito ko din ang mga ‘yun.

Ang mga likas na yaman sa ating bansa, maging sa buong mundo, ay hindi lamang iilan ang nakikinabang dito. Lahat ng tao sa mundo ay nakikinabang sa mga likas na yaman na ito.

Palawan ang isa sa pinakamayaman sa likas na yaman hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong bansa at kung pababayaan nating ilan lang ang makinabang dito, hindi naman ata makatarungan ‘yon para sa ating lahat.

Hindi lang mga pagkain at magagandang tanawin ang naibibigay nila sa atin, at alam kong alam mo na ‘yan.

Sabi nga ni Al Gore, ang global warming ay hindi na mapipigilan ang pagdating pero pede pang ma-delay ang dating nito ng mga ‘sang daang taon, na parang natrapik lang sa Edsa, parang mga kaso lang sa korte at parang mga proyekto lang ng ilang kurakot na politiko.

Malaking tulong sa pagpapabagal ng global warming ang mga likas na yaman na ‘to.

Bilang suporta sa lahat ng nananawagan ng pagpapahinto ng minahan sa Palawan, sa lahat ng Palawenyo at kay Dr. Gerry Ortega at sa kanyang pamilya, gusto kong manawagan sa lahat ng bumibisita dito sa tambayan natin (kahit sampu lang ata sila) na ‘wag kalimutang bisitahin ang http://no2mininginpalawan.com/ at bumoto para matigil na ang pagmimina sa Palawan.

Isipin mo na lang ang mga darating na heneresyon at kung wala ka namang konsensya at ayaw mong isipin ang kapakanan ng iba maging ang sarili mo, ay lintek! bumoto ka na lang para maging “in” ka!

Gusto kong ding magpasalamat sa lahat ng mga bumisita dito at bumoto.

Isang malaking karangalan ang maging bahagi ng isang panawagang ito para sa ating lahat.

Sa huling bisita ko sa http://no2mininginpalawan.com/, may 234,404 katao na ang bumoto.

Kasama ang mga Palawenyo,

Isang taos pusong pasasalamat po sa lahat ng bumoto!

Isang malaking hakbang ito para sa ating lahat.

‘Wag kang mag-alala, abot ka pa sa pagboto.

May malaking magagawa ang simpleng pagpindot mo dito.

Kung masyado namang maliit ang pindutan na ‘yan para sa’yo, pede mo ring pindutin ‘yung  na piktyur dyan sa sidebar.

Siguradong dun din sa site na ‘yun ang punta mo.

Para kay lon, sa ibang taga-Palawan, kay Dr. Gerry Ortega at sa kanyang pamilya at para sa mga susunod na henerasyon at sa ating lahat, sana ay magkaisa ulit tayo bilang mga Pilipino at tao na parang People’s Power lang sa EDSA.

 

 

Advertisements

9 thoughts on “PANAWAGAN: Ipaglaban mo ang sariling bayan!

  1. duking

    ipinagmamalaki ko ring nakaboto na ako!!!

    sana nga, matigil ang banta ng pagmimina sa palawan. hindi dahil sa mahilig ako sa sugpo o mamasyal sa magagandang lugar kundi dahil alam kong ang palawan ay tahanan din ng iba pang gaya kong may buhay.

    magandang araw,tol mikki!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      tumpak ka dyan kasamang duking!

      hindi naman siguro magandang pakinabangan ng iilan ang dapat sana eh para sa lahat.
      ang mundong ito ay para sa ating lahat at dapat din nating pangalagaan ito para sa atin.

      magandang araw din sa’yo, tol duking! 😀

      Sagutin
    2. J. Kulisap

      Duking, wala pa sa sidebar mo ito, nangako ka sa akin sa harapan ng puntod mo. Ilalagay mo sa sidebar mo iyan.

      Ilagay sa FB, friendster, kapag may meeting ipromote, kapag natutulog isigaw, basta makasampung milyon.

      Mao, maraming maraming salamat.

      Sagutin
  2. Pong

    Nakaboto na ako! At ipapanawagan ko din yan!
    sana sa mga susunod na taon, wala ng campaign na ganito, sana puro na lang conservation. Kasi sa lowest level pa lang sa barangay, denied na agad ang permit!
    Makibaka!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      Korek Sir Pong!
      Sana nga lang talga eh eto na ang huling issue na ipapanawagan natin para sa Inang Kalikasan.
      Sana eh matuto na ang ilang taong makasarili…
      Nakalulungkot mang isipin na sa mga tulad pa nating wala sa pwesto nagsisimula ang mga ganitong pakikibaka para sa kapakanan ng nakararami, maganda rin naman sa kabilang banda dahil at least alam natin na may pakialam pa rin ang ilan sa kapakanan ng mas nakararami.

      at maganda ding pang update ang mga ganitong issue pag ang utak mo eh hindi pa masyadong gumagana… 😀

      kamusta ka nga pala jan Sir Pong at ang iba pa nating mga kababayan?

      May God be with you always!
      😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s