Hindi huli ang pagsisisi

 

 

Natanggal ka sa trabaho

Nasunog ang bahay nyo

Nadukutan ka ng wallet

Nasira ang sasakyan mo

Nabaon ka sa utang

Tinalikuran ka ng mga kaibigan mo

Iniwan ka ng asawa mo

Ginahasa ka ng arabo

Umuwi kang lasing at napaaway sa may kanto

Nabangga ka ng kotse

Pagdilat ng ‘yong mata ay nasa ospital ka na

Wala kang ibang kasama sa kwarto dahil walang kamag-anak na nagmamalasakit sa’yo

Nakatitig ka sa kisame at nagpaplano kung pano wawakasan ang buhay mo

Wala ng saysay ang buhay mo…

 

… yun ang akala mo…

 

Inisip mo kung saan ka nagkamali

Naalala mo ang mga kalokohan na ngayon ay isa-isa mong pinagsisisihan

Ngunit ano pang magagawa mo?

Wala na ang oras na lumipas

Bukas na lang ‘yong nasa harap

 

Isang korning biro ng tadhan na hindi ka natutuwa…

 

Nawalan ka na ng pag-asa

Puro pagsisisi ang ‘yong naaalala

 

Alam mong hindi titigil ang takbo ng oras

Ang ikot ng mundo

Ang pamumuhay ng ibang tao

At hindi iiyak ang mundo dahil lang sa’yo

 

 

 

Pero hindi mo naiisip na hindi huli ang pagsisisi…

 

Pag-asa ang laging nasa huli…

 

Pag-asa na sa bawat dilim ng gabi ay liwanag ng bagong araw ang kasunod

Na sa bawat pagkain mo ng tanghalian ay masusundan ng merienda

Na sa bangungot ng kahapon ay isang magandang bukas ang naghihintay

Na kung hindi ka man limusan ng unang taong dadaan ay may pag-asa ka pa na ang susunod na dadaan ang syang magbibigay

Na kung mabasted ka man ay pede ka pang magkaron ng pag-asa sa susunod mong liligawan

 

 

 

Kung anuman ang nagawa mong mali sa nakaraan at sa kasalukuyan

May pag-asa ka pa na magbago ang lahat sa hinaharap

May pag-asa ka pang hindi na muling ulitin ang mga mali mong nagawa

 

Hindi mo man kayang itama ang mga mali

May pag-asa ka pa na hindi na madagdagan pa ang ‘yong mga pagkakamali

 

May pag-asa ka pang magbago

Dahil pinagsisihan mo na ang lahat ng mga mali mo…

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Hindi huli ang pagsisisi

  1. EssaPayoyo

    Very well said kuya mao 🙂
    Apir apir 🙂

    Minsan, mahirap ipaintindi sa tao ang ideyang yan, tignan mo ako diba.
    Struggle na maintindihan ang isang bagay na hindi mo pinaniniwalaan ng personal.
    Nariyan kase yung doubt, yung panghihilakbot sa walang makakapagsabing kinabukasan.
    Pero sana, a person has wisdom enough to understand your words.

    And faith enough to believe in it. 🙂

    (duh, Essa, kaw ba yan?! hahahaha)

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ahahahahahaha!
      napaisip tuloy ako kung ang babaeng satanas ba o si essa ang nagkomento eh… 😀

      henweys, ayos lang kung hindi maintindihan ng iba tao ang gusto kong maintindihan nila pero sana eh maintindihan nila ang nais kong ipaintindi para magkaintindihan na…

      naintindihan mo ba?
      😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s