EDSA@25: May Nagbago Na Nga Ba?

 

 

Matapos ang dalwampu’t limang taon mula nang maganap ang unang EDSA Revolution sa bansa, marami pa ring nagtatanong kung may nabago nga ba sa bansa. At may nagsasabi pa rin naman na walang nagbago.

Pero ano nga ba ang nangyari sa isang makasaysayang lugar sa ating bansa na bumago din sa kasaysayan ng ating bansa, dalawangpu’t limang taon na ang nakakalipas?

Pebrero 25, 1986.

Buhay na ako nung panahon na ‘yon pero hindi pa masasabing tao na.

Hindi pa ako nakakain sa Jolibee.

Hindi pa ako nakakasakay sa bus.

Hindi pa ako nakakakain ng shawarma.

Hindi ko pa kayang maghugas ng sarili kong pwet.

Hindi ko pa kayang kumain mag-isa.

At hindi pa ako tule.

Nung mga panahon na ‘yon.

Pede rin sigurong sabihin na wala pa akong pakialam sa mundo nung mga panahon na ‘yon pero sa paglipas ng panahon, marami akong nalaman at natutunan sa naganap noong Pebrero 25, 1986.

Dahil sa mga natutunan ko sa eskwelahan, kahit mukang wala, namulat ang isang bahagi ng aking puso at isipan sa pagiging makabayan.

Bukod sa panonood ng porn, nakapanood din ako ng ilang dokumentaryo tungkol sa EDSA Revolution.

Bukod sa Xerex, Tik-tik, Toro at Boso, nakapagbasa din ako ng ilang libro tungkol sa nangyaring People Power.

Dahil sa EDSA Revolution, napatalsik sa pwesto ang isang diktador ( alam kong kilala mo na kung sino ang tinutukoy ko at hindi ‘to isang blind item).

At sabi nga sa radyo na napakinggan ko kahapon, ito raw ang naging batayan ng ibang bansa upang mag-aklas sila laban sa kanilang kanya-kanyang diktador na pinuno, pero hindi nila pedeng isisi sa atin ang mga kaguluhan sa kanilang mga bansa.

Ilang milyon ang dumalo sa isang mapayapayang kilos protesta na ‘to para ipagsigawan ang pagbabago.

At naging matagumpay nga.

Napatalsik ang diktador, nagbago ang pinuno ng bansa, nagkaroon ng demokrasya sa Pilipinas.

 

Matapos nga ang dalwangpu’t limang taon, ito ngayon ang Pilipinas.

 

Sunod-sunod ang eskandalo na kinasasangkutan ng mga Pulis at Militar.

Naglipana ang mga nagbebenta ng droga, pirated cd at pirated na droga.

Kabikabila ang kaso ng carnapping, pagnanakaw at panggagahasa.

Ano nga ba ang nagbago at kung meron nga ba talagang nagbago.

May nagbago at marami pang pedeng magbago.

Sabihin na nating talamak pa rin ang nakawan sa gobyerno at marami pa rin eskandalo ang kinasasangkutan ng mga nasa pamahalaan, mula noon hanggang ngayon.

 

Noon.

Ilang taon bago maganap ang EDSA Revolution, maaring alam mo na, na maraming pulis at militar ang umaabuso sa kanilang posisyon. Nandyan na police brutality at korapsyon.

Pero wala kang magagawa dahil may basbas ng nakakataas sa kanila ang kanilang mga ginagawa.

Mananahimik ka na lang kung ayaw mong masilip ang kabilang buhay.

 

Ngayon.

Madami ang nagkaroon ng lakas ng loob para isiwalat nila ang katiwalian sa hanay ng kapulisan at militar dahil alam nilang suportado sila ng taong-bayan.

Hindi sila natatakot ibunyag ang kanilang nalalaman dahil alam nilang pede silang suportahan ng pamahalaan.

 

Marami pa rin ang nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga at bumibili ng pirated cd pero dahil na rin sa mga tumatangkilik dito.

Kung walang demand, walang supply.

 

Carnapping, hijacking, pagpatay, pagnanakaw, pangmomolestya, panggagahasa, snatching at shoplifting. Kahit saan sigurong bansa eh may ganitong kaso. Nangyari man o hindi ang EDSA Revolution, siguradong magkakaroon pa rin ng ganitong kaso dahil na rin sa mga tao mismo.

 

Kung gusto mo talagang malaman sa sarili mo mismo kung may nagbago ba talaga sa bansa dalwangpu’t limang taon matapos ang EDSA Revolution, subukan mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

 

Bumibili ka ba ng mga pirated cd, vcd, dvd at bluray?

 

Gumagamit o nagbebenta ka ba ng iligal na droga?

 

Tinatangkilik mo ba ang mga imitation na produkto?

 

Nakiki-isa ka ba sa mga proyekto ng inyong baranggay o pamayanan?

 

Isinusumbong mo ba sa kinauukulan ang mga alam mong iligal na gawain sa inyong bayan?

 

Alam mo naman siguro ang dapat maging sagot sa mga tanong na ‘yan.

At kung makikinig ka sa’yong konsensya at magiging tapat sa ‘yong sarili, pede mong sabihin na magsisimula na ang pagbabago sa’yo.

 

Bonus Question:

Sumusuporta ka ba sa mga proyektong pangkalikasan at magiging kapakipakinabang sa mas nakararami?

Kung oo ang sagot mo, bisitahin mo lang ang http://no2mininginpalawan.com/. Bomoto para sa kapakanan ng mga kababayan mo at ng mga susunod pang henerasyon!

 

Advertisements

4 thoughts on “EDSA@25: May Nagbago Na Nga Ba?

  1. J. Kulisap

    Gagawa sana ako ng isang artikulo tungkol sa EDSA 1 pero malamang ito na rin ‘yong mas maganda pa. πŸ™‚

    Hindi ako masyadong bilib sa mga taong sumisigaw sa kalye na pinagmumulan pa ng trapiko, hindi ako masyadong bilib sa mga nag-aaklas at dudungisan ang pader ng mga pagmumura.
    Hindi ako bilib sa mga pulitiko na mabait lamang sa umpisa pakamay-kamay pa, hindi ako bilib sa mga taong kunyari lamang ang pakikibaka, dahil salamin ako ng hindi paniniwala.
    Salamin ako ng pagtanggi sa aking bayan, salamin ako ng kawalang-kibo sa mga nangyayari
    Aking adhikain ang sarili kong pag-unlad, hindi na baleng maiwan ang iba.

    Dulot ako ng demokrasya, tinatamasa ko ang kalayaang maghasik ng mabuti o masama man. Ako ang hari ng sarili kong kalsada, may sagasaan man ako o wala.

    Sumisigaw ako ng masakit, sobra na, kulang pero iyon ay paimbabaw lamang dahil hindi naman talaga ako makabayan. Hindi ko kilala ang Pilipinas.

    Ako ‘yon

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s