Uy! Salamat!

Isang taon na pala ang nakakalipas. Isang taon na naman pala ang dumagdag sa edad ko (oo na! alam kong hindi halata! :-D).

Ano nga ba ang nangyari sa buhay ko sa nakalipas na isang taon?

Wala.

Walang kakaibang nangyari.

Naging full-time tambay at naging first-time daddy lang naman ako, sa pangalawang pagkakataon.

Hindi man lang ako tumama ng jackpot sa lotto o mas lalong gumandang lalaki.

Pero ganun pa man, ipinagpapasalamat ko pa din ang isang taong nakalipas. Dahil kahit naospital ako ng ilang beses sa loob ng isang taon, wala pa rin namang malubhang nangyari sa akin.

Sa madaling salita, buhay pa rin ako.

Salamat kay Papa Lord sa isang taon nyang ipinagkaloob sa akin at sa mga taon pang darating.

Salamat sa Kanyang mga biyaya at pagpapala sa akin at sa aking pamilya.

Salamat sa aking pamilya na laging sumusuporta sa akin.

Kila Erpat at Ermat na nagpalaki sa akin ng ilang taon at hindi pa rin nagsasawa.

Sa mga utol ko na mga kagaya kong sira-ulo — noon.

Dahil pare-pareho ng nadagdagan ang aming mga edad, nabawasan na ang pagiging sira-ulo namin ngayon.

Kay labopmaylayp na nagtityaga pa rin sa akin kahit sobrang gago ako.

Salamat sa mga pagsakay mo sa mga trip ko. Salamat sa pagtawa sa mga korni kong jokes. Salamat sa pagintidi at pagmamahal mo sa akin. Pasalamat ka sa akin at binigyan kita ng magandang lahi. πŸ˜€

Salamat sa dalawang kong anghelita na nagbibigay sa akin ng isipin at nagdadagsaya sa buhay ko.

Salamat sa mga kaibigan ko na hindi nakalimot sa araw na ito.

Salamat at naalala nyo pa na me kaibigan kayong katulad ko.

Salamat sa mga nakatambayan natin dito at mga kapitbahay nating blogista na hindi nagsasawang makipagpalitan ng kuro-kuro.

Salamat sa mga naliligaw dito sa tambayan natin.

Maraming marami sa lahat ng nakaalala at bumati.

Sana’y magkita-kita ulit tayo sa susunod na taon.

Maraming maring salamat ulit! πŸ˜€

“People don’t get older…

… only wiser…”

-kuyamao-

P.S.

Sa mga hindi pa bumoboto, pakibisita lang po ang http://no2mininginpalawan.com/. Para po sa Inang Kalikasan po ito. Para sa darating panghenerasyon at para sa ating lahat.

Marami pong salamat!

πŸ˜€

Advertisements

7 thoughts on “Uy! Salamat!

  1. YanaH

    salamat sa akin kasi naligaw ako here? lol

    happy birthday!

    kahit hindi (pa) tayo close eh iwi-wish kita ng maraming-maraming kendi este berdeys to come..
    wahihihi

    wala akong masabi.. di ako makarelate. hindi ko naman berdey eh!

    pero aprang naintindihan ko ung.. perstaym daddy sa second time around.. parang lang ha… πŸ˜›

    haverdey uyet!

    cheers!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat Yanah at naligaw ka dito…
      ilang beses na akong napadaan sa bloghay mo pero hindi ko magawang magiwan ng bakas…hehehe…
      hmmm… pano ba pagkaintindi mo dun? hehehe…
      henyways, salamt sa pagdaan at salamat din sa pagbati…
      pra mging close siguro tayo eh ilalagay na kita tatambayan ko…
      salamat ulit! πŸ˜€
      bottoms up!
      πŸ˜€

      Sagutin
  2. duking

    hahaha!happy birtday muna tol mikki!

    naguluhan ako sa naging first time daddy ako sa pangalawang pagkakataon!

    nangangahulugan ba itong ano? nalito ako eh.

    again, happy birthday. mas maging matagumpay sana ang iyong buhay hanggang sa muling pagsapit ng isa na namang taon!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      salamat ng marami boss duks! πŸ˜€

      3yrs. ago kasi nung una akong maging daddy tas last january na lang ulet…hehehe…
      parang nabakante ng ilang taon kaya feeling ko eh first time ko ulit ng ama…
      ahahahahaha!

      salabopmaylayp ko lang naman ulet yung pangalwa eh…hehehe…
      salamat ulit kasamang duks!

      πŸ˜€

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s