Maging Pakialamero: BASAHIN MO ‘TO!

Twing makakakita ako ng mga magagandang tanawin sa ibang bansa sa T.V., pinapangarap kong makapunta din dun. Pero sa twing maiisip ko ‘yon, laging may bumubulong sa akin na:

“Huwag kang maging dayuhan sa sarili mong bayan…”

…sabay kikiligin ako dahil may kiliti ako sa may tenga.

At dahil bumeberdey ako sa isang araw, parang gusto kong pumunta sa Nayong Pilipino.

Dahil una, hindi pa ako nakakapunta dun.

Twing may field trip kami nung elementary at hayskul, ang madalas lang naming puntahan ay National Museum at Mall. Pero hindi kami pumupunta sa Nayong Pilipino.

At pangalawa, sa tingin ko kasi ay hindi pa ako ganap na tao at Pinoy hangga’t hindi pa ako nakakarating dun.

Biruin mo, kung makakapunta ako dun, isang lugar lang ang pupuntahan ko pero ilang tourist spots na ang makikita ko?!

Pero syempre, hindi naman lahat ng magagandang tanawin sa bansa ay nasa Nayong Pilipino at gusto ko pa ring puntahan ang mga ‘yon.

Tulad ng Kamay ni Hesus sa Quezon, Kabayan Mummy Burial Caves sa Benguet, ang Batanes Protected Landscapes at Seascapes sa Batanes at syempre ang Puerto Princesa Subterranean River at Tubbataha Reefs sa Palawan.

Maliban sa Kamay ni Hesus sa Quezon, hindi ko pa napupuntahan ang mga nabanggit sa itaas at gusto kong pa rin silang puntahan lahat.

Pero dahil sa kasakiman ng ilan, hindi magtatagal ay maaring mawala na ang mga nabanggit.

Ang Probinsya ng Palawan ngayong ang halinhinang ginagahasa ng mga mapansamantalang mamumuhunan para sa kanilang pansariling interes. Hindi nila pedeng sabihin na para sa ikauunlad ng bayan ang kanilang ginagawa.

May angking ganda ang Palawan na maaring gamitin upang lalong umunlad ang kanilang probinsya. Tanga ka na lang kung hindi mo maiisip kung pano mangyayari ‘yun.

( Para sa karagdagang pabasa at piktyur, pakibisita ang kuta ni Sir J.Kul)

Talamak ang pagmimina ngayon sa nasabing probinsya at dahil dito, nagbuwis ng buhay si Dr. Gerry Ortega.

Pinatay si Dr. Gerry Ortega, isang brodkaster at environmentalist noong January 24, 2011 dahil sa kanyang pagtutol sa nasabing pagmimina.

Maaring napatay nila ang isang tao na lumalaban sa kanila pero marami pang iba na nagpapatuloy at magpapatuloy ng kanyang laban.

Tulad ko.

Kailangang mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Dr. Gerry at makakamit lang ‘to ng kanyang pamilya at ng mga taga-Palawan kung matitigil ang pagmimina sa kanilang probinsya.

Ngayong Buwan ng mga Puso, isa ako sa kakatok sa inyong mga puso para humingi ng pagmamahal para sa ating Inang Kalikasan.

 

Sa ganitong kasimpleng paraan, gusto kong makatulong sa nakararami.

 

Maging Pakialamero ka!

 

Bisitahin ang http://no2mininginpalawan.com/ para sa isang malalim at kapakipakinabang na pakikialam.

 

‘Wag mo sanang hayaang hindi na makita ng mga susunod na henerasyon ang natural na kagandahan ng ating bansa…

 

Salamat sa’yong pakikialam at suporta! 😀

 

 

Advertisements

5 thoughts on “Maging Pakialamero: BASAHIN MO ‘TO!

    1. mikkimao May-akda ng Post

      walang anuman Sir J.Kul…
      sana kahit sa ganito kasimpleng paraan eh me magawa akong maganda para sa bayan…hehehe…

      Happy Balentayms din!

      😀

      Sagutin
    2. lon

      Ipaglaban mo ang sariling bayan!

      Ako po ay isang palaweño taos puso po akung nakikiramay sa pamilya ng ating mahal na taga pagtanggol ng bayan Dr.Gerry Ortega.

      Nalungkot po ako ng sobra ng mabalitaan ko ang ngyari ky Dr. Ortega bigla kung naisip cnu pa kaya ang susunod sa hakbang na kanyang ginawa ang ipagtanggol din ang sariling bayan. ako’y sobrang nag aalala sa darating pa na mga araw ,buwan at taon kung anu na ang mangyayari sa mahal nating bayan dahilan sa tuloy tuloy na pagmimina sa aming lugar malala ko nung bata pa ako lagi ang ulam namin sugpo,alimango,bangus at tilapia kapag wala c tatay at kapag malakas ang alon sa laot yan ang ulam namin ngayon wala na bihira na akong nakatikim ng camaron at alimango ang mga paborito kung kainin ay untiunti ng nawawala i don,t know why!pero isa lng ang nasa isip ko ito na ang naging effect ng pagmimina sa aming lugar kc ang ilog namin ang cyang daluyan talaga ng tubig papunta sa dagat na aming pinaghahanap buhayan….kaya po sa mga taong may katungkulan at may pagmamalasakit sa bayan taos puso po akung nananawagan sa inyo na tulungan nyo po kaming pahintuin ang pagmimina sa aming lugar Pres. Noy tulungan nyo po kami sa problema ng aming lugar marami na pong mga tao ang lalong naghirap sa kadahilang ang dating pinagkkakakitaan namin ngayon ay wala na sana po sa ganitong paraan ay matulungan nyo po kami …..

      maraming salamat po.
      lon

      Sagutin
  1. Pong

    nakaboto na din me dito mikkimao
    heto siguru ang kagandahan ng net when it comes sa mga ganitong mga advocacies, very viral.

    hopefully, sa mga susunod na mga panahon di na natin kailangan pa ng ganitong mga campaign dahil kung tutuusin sa barangay level permits pa lang i-deny na agad, at least dun palang di na approved.

    mabuhay ang Pilipinas!

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      tama ka jan boss pong.
      nakakapagtaka din talaga kung pano nakakuha ng permit ang mga ‘yon.

      dagdag kaalaman:
      Nabalitaan mo ba boss ‘yung isang spa na muntik ng itayo sa taal volcano?
      lupit nun!
      nakakuha ng permit ang mga koreano na me ari ng spa pero buti na lang at hindi natuloy…

      Mabuhay ang Noypi!

      😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s