Hoy! Bakit Ka Andito?!

 

 

 

Nitong mga nakalipas na araw, medyo tinatamad akong magkwento.

(Oo. Alam kong napansin mo ‘yon.)

 

Akshuali, hanggang ngayon eh tinatamad pa din akong magkwento.

 

Kung tatanong mo sa akin eh bakit?

 

Ang sagot ko sa’yo eh bakit din.

 

Bakit? Masama na bang tamarin ako?

 

Wala ba akong karapatang tamarin?

 

Pero dahil sa tinatamad pa nga ako at sa sobrang katamaran ko eh ilang ulit akong nagpaligoy-ligoy ng intro para ipamuka sa’yong tinatamad talaga ako, me natripan akong kalikutin dito sa may silong ng tambayan na ‘to.

 

Ganyan ako pagtinatamad, kung san-san napapadpad.

 

Natuwa lang ako sa mga search engine terms na ginamit tas dito napadpad ‘yung naghahanap na ‘yun.

 

Nasayang tuloy ang kanyang paghahanap.

 

Pero para hindi masayang ang iyong ipinunta dito, i-share ko sa’yo ang mga terms na sinasabi ko.

 

Basa.

 

 

 

– Hindi ko alam kung bakit dito napapunta ‘to. Sa pagkakaalam ko kasi wala akong tinatagong sekreto ni Emilio Aguinaldo. Siguro kung me blog lang si Sir Andres Bonifacio malamang dun napadpad ‘to dahil siguradong me alam na sekreto si Sir Boni tungkol kay Agui.

 

 

 

– Kung sino man ang nag-enter ng term na ‘to, sa tingin ko eh dapat magpatingin sa doktor. Kung sa akin lang ‘to magtatanong, baka tumaas lang ang hayklad nito eh.

 

 

 

– Siguro me nakaaway ang nag-search nito. Pero kung nagkataon na me naikwento ako tungkol sa ganitong kasabihan, malamang simple lang ang nakasulat. TANGNA MO! ‘WAG KANG DADAAN SA BAHAY NAMIN!

 

 

 

– Putol ang pangungusap na ‘to pero dahil assuming ako, gusto kong i-assume na tao ang huling salita dito. Tutal naisama ko na dito ‘yan, sagutin na din natin. Siguro dahil bata pa sila. Dahil siguro hindi pa sila handa. Dahil hindi naman sila mag-jowa.

 

 

 

-Uy! Ayos ‘to! Mukang gustong maging makulit nito ah. Sige kunwari sa akin talaga nagtanong ang nag-search nito. Ang unang kong tip sa’yo kaibigan, ‘wag kang humingi ng tip. Tapos.

 

 

 

– Uy! Teka. Bakit dito napapunta ‘to? Hindi naman masayang basahin ang mga andito eh. Kung ang nakalagay sana eh “walang kwentang basahin” o kaya “pansayang ng oras basahin” siguradong dito pupunta ‘yun. Pero ‘yung ganito? Sa tingin ko eh dapat sa Funny Komiks napunta ‘to. (meron pa kaya nun?)

 

 

 

Eto muna ang i-se-share ko sa’yo dahil inaantok na ako.

 

 

 

Sa isang araw, pagwala ulit akong ginagawa, ipaghahanap ulit kita ng ganito para hindi naman masayang ang pagpunta mo dito.

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Hoy! Bakit Ka Andito?!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s