Kung Hei Batsoy Tikoy!

 

 

Dahil malapit na ang Chinese Newnyir, uso na naman ang malagkit na tikoy.

At kagabi sa segment ni Kuya Kim, ibinahagi nya ang isang trivia tungkol sa pagsusuot ng kulay pula at tungkol sa paputok tuwing sasapit ang Chinese Newnyir (pero hindi ko na uulitin dito kung ano ‘yung trivia nya.)

Lumaki ako sa paniniwalang ganito.

Ayon sa alamat ng magkabilang panig ng aking pamilya, me ilang porsyento daw sila ng dugo Tsino ( ang erpat ng ermat ng ermat ko eh Instik at hindi ko alam kung sino sa ninuno ng erpat ko ang Intsik pero alam kung meron). Kaya ang sa akin ata eh latak na.

Kaya din siguro twing may nakakarinig ng apelyido ko, tinatanong nila ako kung me lahi akong Intsik. Pero sinasabi ko lang na me lahi akong tao. Baka kasi makidnap ako, wala pa man din pantubos sa akin at mukang hindi ako tutubusin.

Dati, tinatawag din akong “hapon” (dahil siguro muka akong bida sa hentai) kaya ang naging paniniwala ko eh me lahi kaming hapon. Pero nung natulian ako at nakakita ko sa isang Japanese porn ang etits ng lalaking hapon, nasabi kong Pinoy ako na me lahing Intsik.

Twing Chinese Newnyir, nagsusuot ng pulang damit sila erpat at ermat at minsan pati kaming magkakapatid eh nadadamay. Naghahanda rin kami ng mga pagkain at mga prutas na pangpaswerte daw na ang suniswerte lang ata eh ang mga nagbebenta nito at syempre tikoy.

Hindi ko na maalala kung kelan kami unang nagdiwang nito pero ang alam ko lang eh hindi ata kami pumalya sa pagdiriwang nito. At ngayong me sarili na akong pamilya, nagdiriwang pa rin kami nito pero para sa akin eh hindi bilang pagsalubong sa Chinese Newnyir kundi bilang papasalamat at umabot pa ulit kami ng isa pang Chinese Newnyir.

Sa tinagal-tagal na din naming nagdiriwang ng Chinese Newnyir, wala akong matandaan na nagpaputok kami bilang pagsalubong dito.

Ikaw?

Kayo ng pamilya mo?

Nagdiriwang ba kayo ng Chinese Newnyir?

Napansin mo din ba na wala atang nagpapaputok tuwing ganitong okasyon?

Bakit nga kaya tikoy ang binibigay twing ganitong okasyon?

Bakit hindi na lang kalamay o sumang magkayakap eh pare-pareho lang namang malagkit ‘yun?

Siguro, dahil mas sosyal ang tikoy.

Ngayong papasok na Year of Bugs Bunny, suswertihin daw ang mga taong ipinanganak sa ganitong taon at syempre, suswertihin din ang mga ospital, hilot at komadrona dahil marami ang manganganak na parang mga kuneho kung magparami ng lahi.

Pero syempre, hindi naman dyan nakabase ang swerte mo sa buhay kundi kung gaano ka kasipag at katyiga na mabuhay at subukang hulihin ang mailap na swerte sa lipunan mong ginagalawan.

 

Subukan mong kumain ng maraming tikoy…

 

Malay mo maging madikit ang swerte sa’yo…

 

Kung Hei Fat Choi!

 

祝您新年快乐

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s