Gago sya, Tanga ka. Hindi kayo bagay.

Nakausap ko nung isang araw ang isa kong kaibigan.

Kaibigan ang turing ko sa kanya dahil nagsasabi sya ng mga problema nya kahit hindi kami ganun magkakilala. Hindi ko maiwasang ikwento sa’yo ang usapan namin dahil nakakatuwa na parang bigla kaming naging close…

Friend: Musta?

Mao: Ayos lang. Ikaw?

Friend: Ayos lang din. If I say “ayos lang” does it mean na masaya ako?

Mao: Hindi rin. Pede ring ayos lang pero hindi ka masaya. ‘Yung sakto lang. Bakit?

Friend: Eh kasi hindi pa rin ako maka-get over kay H*****.

Mao: Hay naku! Hanggang ngayon ba naman eh sya pa rin? Move on! Hehehehe…

Friend: Ewan ko ba. Nahihirapan ako eh.

Mao: Bakit? Ano na naman ba ang nangyari? (kunwari interisado ako pero alam ko namang ikukwento nya pa rin kahit hindi ko itanong)

Friend: Eh kasi sabi nya sa akin kahapon, kahit anong maging result ng board exam sa May, his going to work abroad kaya maghanap na daw ako ng iba.

Mao: Jowa?! Hahahaha!

Friend: Parang. Pero sabi nya hindi daw mangyayari ‘yun kasi topakin ako.

Mao: Eh hindi ka mahal nun.

Friend: Pano mo naman nasabi?

Mao: Eh kung talagang mahal ka nya kahit pa gaano kabaho ang utot mo, tanggap ka nya. Kahit pa gaano ka tindi ang topak mo, kaya nya ka pa ding sakyan. Kasi mahal ka nya.

Friend: Ewan ko ba. Masyado kaming special sa isa’t-isa eh. Special kasi ang treatment nya sa akin kahit alam nya vulnerable ako sa kanya.

Mao: Eh di gago sya.

Friend: Gago sya. Tanga ako.

Mao: Eh di hindi kayo bagay! hehehehe…

Friend: Ang hirap kasi may emotional invesment na ako sa kanya.

Mao: Napanood mo ba ‘yung “I Do”?

Friend: ‘Yung kay Erich at Enchong?

Mao: Yup!

Friend: Why?

Mao: Kilala mo si Janus?

Friend: Sino dun?

Mao: ‘Yung laging nagkokowt dun ng mga kowts.

Friend: What’s with him?

Mao: Sabi nya kasi dun, “Alam mo, ang pag-ibig, hindi ‘yan parang ATM na withdraw ka lang ng withdraw. Kailangan mo ding magdeposit.”

Friend: O? Anong koneksyon?

Mao: Parang sa’yo naman business na nag-invest ka pero nalugi.

Friend: Eh ilang beses ko na ngang sinubukang mag-move on eh pero hindi ko talaga kaya.

Mao: Gawin mo kasi. ‘Wag mong subukan!

Friend: Sabi nga nya sanayin ko na daw ang sarili ko na wala sya kahit hindi pa sya naalis.

Mao: Actually, he’s doing you a favor. At least concern sya sa’yo as a friend. Sa tingin mo alin ang mas madali? ‘Yung mag-move on ka kahit alam mong nandito pa sya o ‘yung mag-move on ka pag wala na sya kahit alam mong mahirap?

Friend: Eh saka na pag umalis na lang sya. Ang sakit nga ng ulo ko kanina kakaisip nung sinabi nya. Tumatawa ako kahit gusto kong umiyak.

Mao: Emo?! Hahahahaha!

Friend: Strong ang personality ko pero sobrang emotional ko talaga.

Mao: Hahahaha! (wala na akong maisagot eh kaya tumawa na lang ako)

Friend: He’s the only man na open ako. He’s the only man na nasasabihan ko ng mga problema ko.

Mao: Hahahaha! At hindi ka pa pala open sa akin nyan ha?! Hehehehe…

Friend: Hindi pa masyado. Hehehe… Masyadong komplikado noh?!

Mao: Hay naku! Ewan ko sa’yo. Matulog ka na nga ng makalimutan mo kahit ilang oras ‘yang problema mo.

Friend: Haler! Alas nwebe pa lang ng umaga!

Mao: E di matulog ka ulit!

Friend: Tse! Salamat nga pala for listening.

Mao: No problemo! 😀

 

Alam kong hindi madali ang pagbitaw sa isang bagay.

Pero mas mahirap bitawan ang isang bagay na kahit kailan ay hindi mo nahawakan.

Ramdam ko ang pinagdadaanan ng aking kaibigan at alam kong sa mga darating na araw ay matutunan nya ding bitawan kung ano man ang kanyang hinahawakan sa ngayon — kung meron man.

 

‘Wag ka ng umasa kahit alam mong wala kang inaasahan.

Alam kong tanggap mong nagpapakatanga ka sa kanya pero ‘wag ka namang masanay. Dahil baka naman mahipan ka ng hangin eh hindi ka na bumalik sa normal.

 

Hanggad ko ang kapanatagan ng ‘yong isip at puso.

 

 

Sana’y makatagpo ka ng lalaking kayang sakyan ang pagigin topakin mo at sana’y kaya mo ding sakyan ang pagiging mas topakin nya kesa sa’yo.

 

 

Advertisements

7 thoughts on “Gago sya, Tanga ka. Hindi kayo bagay.

  1. EssaPayoyo

    ayan, napatunayan kong tsismosa ako dahil nakikibahagi ako sa isang pribadong usapan. hahaha.

    mahirap bumitaw pag may emotional investment na Ser 🙂

    Sagutin
  2. J. Kulisap

    Aha.Miki Imaw. 🙂

    Sabi naman ng katabi ka sa opisina, tingin ka nang tingin sa iba, yong tumitingin sayo, bakit hindi mo subukan?

    EWan ko lang, ganun ata ang pag-ibig. Parang bulbol sa gulo pero iba pa rin ang hatid na sarap. 🙂

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      hahahaha!
      korek sir duks!
      problema magkaibang pyesa ata talga sila kaya ayaw maglapat…
      hehehe…
      gusto ko sanang iprisinta ang sarili ko problema baka malumpo ako ni labopmaylayp…
      😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s