Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?

 

 

Hindi ko maiwasang mag-react sa narinig kong reaksyon ng isa nating kababayan tungkol sa ginawang paghihigpit ng seguridad sa mga pampublikong sakayan, kaugnay sa naganap na madugong pagpapasobog sa isang pampublikong bus kahapon sa EDSA.

Kung hindi mo nabalitaan ‘yun, kwento ko sa’yo ang nangyari.

Isang pampublikong bus ang pinasabog kahapon ng hapon malapit sa MRT station sa may Buendia sa EDSA. Dalawa ang kumpirmadong patay at nung balita sa hapon eh may dumagdag pang dalawa at kanina nga eh lima na ang balitang patay.

Hindi agad sinabi ng mga otoridad kung may kinalaman sa terorismo ang nasabing pagsabog pero sinabi nilang improvised bomb ang ginamit na pampasabog — kaya terorismo pa rin.

Madaming grupo at organisasyon ang kumondina sa nasabing insidente, pati na rin ang ilang indibidwal, gaya ko, ay kinokondina din ang naganap na pagsabog.

(Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa naganap na pagsabog ng bus kahapon sa EDSA, subukan mong manood, makinig at magbasa ng balita. Para naman hindi magmukang tsismis ang kinukwento ko sa’yo)

Ngayong araw na ‘to, naging mahigpit (ulit) ang pagbabantay sa mga pampublikong sakayan. Sa airport, pier, bus station, MRT, LRT, pilahan ng jeep, pedicab at tricycle at pati na rin sa mga paradahan ng kolorum na van.

Ayos naman kasi kahit papano eh humigpit na (ulit) ang seguridad — kahit pagkatapos ng ilang buwan eh balik ulit sa dati. Binubusisi ng ayos ang mga bagahe ng mga pasahero para masiguradong walang makakapagpuslit ng mga bomba, patalim, baril at porn(?).

Wala din namang angal ang mga pasahero dahil alam naman nilang para din sa kabutihan ng nakararami ang ganung pagbubusisi.

At dapat siguro eh pasabugin kung sino man ang magrereklamo para sa kanyang kapakanan.

( Sa hinabahaba ng intro ko, eto na ang kwento ko!)

Pero may isa tayong kababayan na hindi ko maintindihan kung ano ang trip.

Dahil sa mahigpit na seguridad, hindi nya napigalan ang sarili na mag-react tungkol dito.

Simple lang ang sinabi nya.

Kung hindi pa daw nagkaroon ng ganung trahedya eh hindi pa maghihigpit ng seguridad sa mga pampublikong sakayan. Sabay sabi ng isang kasabihan: “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

May punto sya pero hindi ko napigilang mag-react.

Kaya siguro ngayong lang din hinigpitan (ulit) ang seguridad sa mga pampublikong sakayan eh para maiwasan ang pagkamatay pa ng mas maraming kabayo.

 

Hindi ka naman nagpapakain ng damo sa iisang kabayo.

 

 

Hindi iisang kabayo lang ang dapat makinabang sa dala mong damo.

 

 

 

 

Hindi pa huli ang lahat para sa dala mong damo dahil mas marami pang kabayo ang pede mong isalba ang buhay.

 

 

 

 

Sabi nga ng iba, mas maganda ng huli kesa wala.

 

 

(‘Yun nga lang, mas maganda pa rin ang sa simula pa lang eh may dala ka ng damo kesa huli!)

 

 

 

Advertisements

4 thoughts on “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s