Bakit sya?

 

 

May nakita akong isang ginasumot na papel sa isang basurahan. Dahil trip kong maging basurero nung oras na ‘yun na tripan kong pulutin at i-share. Eto, basahin mo. Itapon mo na lang ulit pagkatapos mong gawing pangiwang…

 

Tinanong mo ako noon kung bakit sya at hindi ikaw. Wala akong maisagot sa’yong matino dahil you caught me off guard. Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging sagot ko. Ayaw ko kasing masaktan ka nung mga panahon na ‘yon, siguro dahil mahal din kita. Pero matapos ang ilang linggo ng pagiisip, nahanap ko na ang sagot.

Bakit nga ba sya at hindi ikaw?

Dahil lagi syang nandyan kapag kailangan ko sya, hindi tulad mo na kailangan ko pang i-text o tawagan.

Dahil kung ano ang nagustuhan ko sa’yo eh meron din pala sya, nakakasawa din pala ‘yung ikaw na lang lagi ang bida.

Dahil mas malaki ang kanyang tiwala sa sarili, hindi tulad nung sa’yo na maliit na nga eh lambutin pa.

Dahil mas mahaba ang kanyang pasensya, hindi tulad ng sa’yo na sa sobrang maikli eh hindi ko pa makita minsan.

Dahil napapagod na ako sa kalalakad natin kapag hinahatid mo ako pauwi, na minsan na nga lang tayo magsakay, hanggang sa may kanto lang namin.

Dahil napapagod na akong bumyahe tuwing gumagala tayo, na ako pa minsan ang sagot sa pamasahe.

Dahil sawa na ako sa mga pinagdadalhan mo sa aking mga turo-turo, na ang laging tindang ulam eh mga nabuksan na.

Dahil umay na ako sa mga baduy mong kwento, karamihan pa eh mga kwento ko sa’yo na inuulit mo lang sa akin.

Dahil mas maganda ang mga pangarap nya para sa aming dalawa, hindi tulad ng pangarap mo na ayos lang kahit maghirap tayo basta magkasama.

Dahil mas makapal ang kanyang bulsa, samantalang sa’yo puro ginusot na papel lang ang laman.

Dahil mas malamig ang aircon ng sasakyan nya, hindi tulad ng sinasakyan nating tricycle.

Dahil mas mahal ang mga chocolates at regalo na binibigay nya, hindi gaya ng mga pasalubong mo na binili mo lang sa tindahan namin.

Dahil mas mahal nya ako kesa sa pagmamahal ko sa kanya, hindi gaya ng pagmamahal ko sa’yo na kasing laki din ng pagmamahal mo sa akin.

Dahil matangakad sya ng konti kesa sa’yo, kahit isang tenga lang naman talaga ang pagitan nyo.

Dahil mas malaki ang muscle nya, hindi tulad ng tyan mo na mabalahibo.

Dahil tahimik syang matulog sa gabi, hindi kasing lakas ng hilik mo na parang sa may tabing kalsada tayo natutulog.

Dahil mas hindi masyadong malakas at mabaho ang utot nya, hindi gaya ng sa’yo na amoy binurong basura.

Dahil 3x a day syang kung magtoothbrush, hindi tulad mo na 2x a day lang pwersahan pa ang isa.

Dahil kayang ibigay sa akin lahat ng gusto ko, hindi gaya mo na pagmamahal lang ang kayang i-offer.

Dahil mas sosyal ang mga lugar na pinupuntahan namin, hindi gaya ng mga lugar na gusto mong puntahan natin sa tingin.

Dahil mas mabango ang kanyang damit, hindi gaya ng damit mo na moth balls ata ang ginagamit mong pabango.

Dahil mas mayaman sya kesa sa’yo, hindi gaya mo na sa pagmamahal at utang lang mayaman.

Sinabi ko sa’yo noon na lahat ng tao ay nagbabago. Hindi pala ako kayang buhayin ng pagmamahal at prinsipyo mo. Masaya ako kapag kasama ko sya, dahil sa mga bagay na naibibigay nya. Talagang ganyan ang buhay. Minsan kailangan mong maging praktikal. Hindi dapat puro puso ang pinaiiral. Mas dapat gamitin ang utak kaya sa taas nilagay. Ito na ang huli kong paalam. Kapag mas mayaman ka na tsaka ka na lang ulit magparamdam.

 

Tamang-tama ang lugar na napagkuhanan ko ng nasabing papel na pinagsusulatan ng nabasa mo.

Sa may basurahan ko nakita.

Bahala ka na kung ang sumulat nga eh basura.

 

 

Advertisements

6 thoughts on “Bakit sya?

    1. mikkimao May-akda ng Post

      korek!

      hindi mo kailangang hanapin kung alin ang wala sa kanya bagkos ikaw ang magpuno ng wala sa kanya…

      hmmmm….

      talagang hindi mo maintindihan ha…

      hehehe…

      😀

      Sagutin
  1. EssaPayoyo

    “Sinabi ko sa’yo noon na lahat ng tao ay nagbabago. Hindi pala ako kayang buhayin ng pagmamahal at prinsipyo mo. Masaya ako kapag kasama ko sya, dahil sa mga bagay na naibibigay nya. Talagang ganyan ang buhay. Minsan kailangan mong maging praktikal. Hindi dapat puro puso ang pinaiiral. Mas dapat gamitin ang utak kaya sa taas nilagay. Ito na ang huli kong paalam. Kapag mas mayaman ka na tsaka ka na lang ulit magparamdam.”

    Oo, totoo. Kaya kang palamunin ng kung anong meron sya na wala ako. Mas malinis siya sa pagkatao na ako.

    PERO PUTANGINA MO, WALANG KAYANG MAGMAHAL NG MAS MALUPET SAYO TULAD NG PAGMAMAHAL KO, NA SA HIYANG IKINABUBUHAY KO DAHIL IKAW ANG TUMUTUSTOS SAKEN, MAS MALAKI ANG PANGARAP KO PARA SATEN, PARA SAYO.

    TANGINA MO PALA EH. HINDI MO AKO MINAHAL. KAHIT KELAN. DAHIL KUNG TOTOONG MINAHAL MO KO KATULAD NG PAGMAMAHAL KO SAYO, MINAHAL MO ANG LAHAT NG PUTANGINANG PANGET SAKEN TULAD NG PAGMAMAHAL KO SA PAGKA-MATERIALISTIC MO.

    LILIGAYA KANG KASAMA NIYA, PERO DI KA MAKAKATULOG KAKAALALA NA MAY INIWAN KANG GUSGUSING AKO, NA BALANG-ARAW, TANGINA MO, MAGKAKAROON NG MERCEDES AT MAGMAMAY-ARI NG CONDONG KATITIRIKAN NG UNIT NYO!

    Nakaka-highblood ampf 🙂

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      relax lang…

      kalma lang…

      me mga taong nagiging praktikal sa kasalukuyan pero hindi tinitingnan ang hinaharap…

      maaring maganda ang nasaharapan nila ngayon kaya hindi na iniisip kung maaring bang mas maging maganda ang hinaharap…

      pasalamat na lang at hindi sa atin nangyari dahil baka ma-stroke ka kung nagkataon…

      😀

      Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      hindi ko nga lang din nasipat ang katotohanan sa likod ng sulat na ‘yun… mukhang lumang style ng labistori… pero sampal ‘yun para dun sa sinulatan…

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s