Ay Hayop!

 

 

Nagkaroon kamakailan ng isang pagtitipon na inorganisa ng isang samahan ng mga nangangalaga sa mga hayop na karaniwang inaabandona o manamaltrato. Maganda ang hangarin ng oraganisasyong ito para sa mga kapakanan ng mga hayop. Gusto din nilang turuan ang sangkatauhan na pangalagaan ang sangkahayupan.

Ipinakita nila sa nasabing pagtitipon ang iba’t-ibang uri ng animal cruelty na ginagawa ng mga tao pati na ang ilang hayop na nasa kanilang pangangalaga na nangangailangan ng kalinga ng ibang tao. Gusto nilang turuan ang madlang pipol na pangalagaan ng ayos ang kanilang mga alagang hayop at iwasan ang anumang uri ng pangaabuso dito.

Pero ang hindi ko lang maintindihan eh kung ang target nila eh ang general public ( mula sa pinakamababang estado sa lipunan hanggang sa mga dugong bughaw), bakit kailangang ganapin ang nasabing pagtitipon sa isang eksklusibong hotel kung san mga myembro lang ata ng mga eletista ang pedeng pumasok at imbitado? Bakit hindi sa mga maliliit na komunidad sila nagsimula?

Malamang dahil gusto nila at kaya nilang bayaran ang lugar.

May ilang celebrities din ang umatend sa nasabing pagtitipon dala ang kanilang mamahaling mga breed ng hayop para irampa. Dahil na-cover ng media ang nasabing pagtitipon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga celebrities na ito na manawagan sa madlang pipol para pumunta sa tanggapan ng nasabing oraganisasyon kung gusto nilang magampon ng mga hayop.

Ayos!

Naisip ko tuloy, bakit hindi sila ang unang magampon ng mga pusang gala at asong kalye at ‘yun ang kanilang bihisan at arugain?

Dahil ba baka magkaroon sila ng galis-aso kapag humawak sila ng mga asong kalye?

Dahil ba hind sanay ang mga pusang gala sa mga air-conditioned na kwarto na ginagamit ng kanilang mga imported na alaga?

Maganda naman ang mensahe ng nasabing pagtitipon.

Maganda rin ang adhikain ng nasabing organisasyon.

Saludo ako dun!

Pero ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ang mga eletista, kasama ang kanilang mga mamahaling hayop, ang naimbitahan sa nasabing pagtitipon?

May isang sikat (daw) na stylist ang nagmalaki pa na mahilig daw talaga sya sa mga hayop. sa katunayan, meron daw syang sampung alagang aso sa kanilang bahay na puro mamahalin ang breed.

Aso’t pusang gala!

Sampu ang alaga nyang mamahaling aso?

Tunay nga naman sya ay mapagmahal sa mga hayop!

‘Yung mamahalin nga lang din ang kaya nyang mahalin.

Personally, mahilig din ako sa mga hayop. Sa katunayan, meron akong mga alagang isda, hamster at syempre, aso’t pusa. Mahilig din ang sa mga mamahaling aso at pusa ang problema lang hindi ko kayang bumili ng mga mamahaling breed at hindi ko kayang tustusan ang kanilang mamahaling maintenance.

Hindi man mamahalin ang mga alaga ko, mamahalin naman ang pagmamahal ko sa kanila. Sa katunayan dahil sa sobrang pagmamahal ko sa mga pusa minsan, inilalagay ko sila sa sako para hindi sila lamigin. Minsan habang nasa loob ng sako, inihahagis ko sila sa balon para naman maka-experience sila ng extreme sport. Pero hindi ko naman talaga ginagawa ‘yun.

 

Nakakatuwa talaga itong pagtitipon na ito lalo na ang mga umatend na celebrities.

 

Nakakatuwa sila dahil habang nanawagan sila sa madlang pipol para mag-alaga ng mga asong kalye at pusang gala, bitbit nila ang kanilang mga mamahaling alagang hayop.

 

 

Nakakatuwa talaga sila.

 

 

 

 

Nakakatuwa silang ilagay sa loob ng sako at ihagis sa balon!

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s