Kaibigan lang pala…

 

Masaya ang kanyang mga mata ng gabing muli nilang pagkikita. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit bakit may kaba sa kanyang dibdib habang papalapit sya sa anyo ng kanyang lalaking minamahal. Nakatalikod sa kanya ang lalaki. Bahagyang nakayuko ang ulo na parang nag-iisip ng malamlim. Dahan-dahan syang lumapit upang ‘wag nyang maistorbo sa pag-iisip ang kanyang sinisinta. Sa bawat hakbang nya papalapit sa lalaki, unti-unti ding lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib. May kakaibang kaba syang nararamdaman.

 

“Bernard”, mahina nyang sambit ng pangalan ng lalaki sabay yakap mula sa likod. Naamoy nya agad ang pabango ni Bernard. Ang amoy na hindi nya makalimutan maging hanggang sa kanyang pagtulog. Ang amoy na isa sa nagiging dahilan kung bakit gustong-gusto nya itong kasama. “Bitawan mo ako.” Mahinahon ngunit pautos na sabi ng lalaki sa kanya. Hindi na sya nabigla sa kanyang narinig. Inaasahan nya na maririnig nya ‘yun mula sa lalaki. Ngunit hindi sya nakinig dito. Lalong humigpit ang kanyang yakap dito. Gusto nyang maramdaman ang init ng katawan ng lalaki. Gusto nyang ubusin ang amoy ng kanyang minamahal, dahil alam nyang maaring ito na ang maging huli.

 

“Sabi ng bitawan mo ako eh!” Lumakas na ng konti ang boses ni Bernard sabay harap sa kanya. Alam nyang nakatitig ang mga mata ni Bernard sa kanya ngunit hindi sya makatingin ng tuwid dito. Alam nyang iyon na ang hudyat ng wakas sa kanilang dalawa. Pinigilan nya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ayaw nyang makita sya ni Bernard na umiiyak. Nakatitig lang sya sa lupa habang ang lalaki sa kanyang harapan ay umiwas na din ang tingin sa kanya. Tahimik lang silang dalawa. Walang may lakas ng loob na magsalita.

 

“Wala na ba talagang pag-asa?” Nasambit nya sa wakas.

 

“Wala.” Sagot ni Bernard.

 

“Hanggang magkaibigan na lang ba talaga tayo?” tanong nya ulit.

 

“Oo.” matigas na sagot ni Bernard.

 

“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?” garalgal na ang boses nyang tanong.

 

 

 

“Anak ng pating naman Gilbert! Hindi ako pumapatol sa lalaki eh!”

 

 

 

Advertisements

8 thoughts on “Kaibigan lang pala…

  1. J. Kulisap

    It is a fad Sister Mao. Eklabo ka naman. Kakalurkey ka. 🙂

    Maganda ang daloy, may antisipasyon akong namamalimos nang pag-ibig ‘yong isang karakter at may nagpapahabol namang karakter, at biglang may ipu-ipo…hindi pa handa si Bernard sa ganung romansa.

    Subalit, ‘wag mong burahin ang pwesto nila sa mundong ito, dahil ang pag-ibig daw ay walang kasarian, tanging magkasing-tunog na pintig lamang ng mga pusong umaawit sa sarap at ligaya ang nakapagpapaliwanag ng hiwaga ng pag-ibig.

    May hindi nagawa si Gilbert kay Bernard, ang isalya ito at alukin ng kwarta…Malay natin.

    Ako, kwarta lang ang katapat. 🙂 Ahahahhaha.

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      ‘Yun nga siguro ang mali ni Gilbert… Masyado nyang minadali ang mga bagay-bagay… Hindi muna sya nag-alok ng presyo tska sila nagtawaran ni Bernard… 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s