Anak ka ng Putok!

 

Sa unang araw ng bagong taon, sa kabila ng maigting na kampanya ng DOH, umabot ng 546 ang naging biktima ng mga paputok at ligaw na bala. Mas mataas ito ng 7% kumpara nung nakaraang taon. Ang bilang na ito ay mula nung Dec. 21, 2010 hanggang Jan.1, 2011. Pero hindi pa naman daw ito opisyal dahil may pag-asa pa daw na humabol ang ibang biktima hanggang Jan. 5.

Hindi na nakapagtataka kung ganito ang naging bilang ng mga nabiktima dahil kahit nung Pasko eh may mga nagpapaputok na. Walang problema kasi birthday naman ni Papa Jesus ‘yun eh. Minsan nga lang, talagang matitigas ang ulo ng ibang biktima at may kasama na ding yabang.

Isipin mo kung paano sila napuputukan sa kamay. Malamang hinawakan nila para magyabang na kaya nilang humawak ng paputok na may sindi. Pwede ring pinulot nila ang mga hindi pumutok kahit pa sinabihan na ‘wag ng kunin. Matigas talaga ang ulo. ‘Yung iba naman eh hindi naghugas ng kamay pagkatapos kumain ng kalamay (bahala ka ng magisip kung ano ang kuneksyon).

‘Yung mga tinamaan naman ng mga ligaw na bala eh mga biktima na lang talaga ng kayabangan, katigasan ng ulo at kawalang disiplina ng iba. Kahit pa ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril eh sige lang sila. Hindi naman sa kanila nakatutok ang baril eh. Gusto din kasi nilang ipagyabang na may baril sila at pumuputok din ‘yun.

Sa kabuuan, 518 ang naging biktima ng mga paputok, 20 ang tinamaan ng ligaw na bala at 8 ang nalason ng paputok dahil akala yata eh pwedeng kainin. Hindi pa kasama dyan ang bilang ng mga putok ang nguso at ulo at mga nasasaksak dahil sa mga away sa inuman.

Maari sanang maiwasan ang ganitong disgrasya kung hindi lang matitigas ang ulo ng ilan nating mga kababayan. Maraming paraan ng pagiingay at pagdiriwang ng Bagong Taon. (i-bookmark mo, for future reference) Kalampagin mo ang mga lumang kaldero nyo sa bahay. Pwede rin ang mga lumang drum, batiya at balde. Huwag mo lang kakakalampagin ang pinto ng mga may utang sa’yo dahil malamang maging biktima ka din ng putok ang nguso o ulo. Magpatugtog ka din ng malakas kung gusto mo. Kung meron kang playlist o cd ng mga bandang puro sigaw na lang laman ng kanta at hindi mo maintindihan ang sinasabi, pagkakataon mo na para magamit ‘yan. Kung may sasakyan ka naman, bumusina ka lang ng bumusina. Basta ‘wag ka lang magpapatugtog sa katanghaliang tapat kung kelan natutulog ang kapitbahay mo dahil hindi malayong mabato ang bahay nyo.

Ang mga Chinese daw ang nakaimbento ng pulbura na ginagamit sa paputok at ayon din sa kanila, para daw maitaboy ang mga masasamang elemento o espirito kaya nagpapaputok.

Dapat siguro eh madalas silang magpaputok sa ilang sangay ng gobyerno para mawala ang masasamang elemento dito.

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s