HAPPY NEWNYIR!!!

 

Ilang oras na lang at 2011 na…

Isang bagong taon para sa lahat…

Isang bagong pag-asa para sa mga nawalan na…

Isang bagong pakikipagsapalaran para sa mga nagsusumikap…

Isang bagong umaga para sa mga mamamayan na tinulugan na ng sistema…

Ano nga ba ang nagawa mo nitong nakaraang taon?

May nagawa ka ba para sa kabutihan mo at ng pamilya mo?

May nagawa ka bang maganda para sa ibang tao?

May naitulong ka ba para sa bayan mo?

O nakatulog ka lang ulit gaya ng mga nagdaang siglo?

May mga pinadaanan ka bang gusto mo ng kalimutan?

May mga aral ka ba namang natutunan?

Naging kapakipakinabang ka ba noong nakaraang taon?

O wala kang ginawa para umahon?

Naging magandang ihemplo ka ba para sa mga nakararami?

O nagmukmok ka lang sa isang tabi?

Kinalimutan mo na ba ang masasama mong bisyo?

O meron ka na ngayong bago?

May nabago ka bang masama sa’yo?

O mas lalo ka lang naging gago?

Nagkaroon ka ba ng silbi nitong palabas na taon?

O wala kang ginawa maghapon?

Pagnilaynilayan mo ang mga nangyari at naganap…

Sana’y may natutunan ka para sa hinaharap…

Sana’y magkaroon ka ng pag-asa at pananampalataya…

Na mas maging maganda para sa’yo ang darating na umaga…

Kung anuman ang pangit sa’yong nakalipas ay iyong kalimutan…

‘Wag kalimutang bitbitin ang aral ng nakaraan…

Pairalin mo ang pagmamahal sa kapwa…

Para lahat ay guminhawa…

Kalimutan ang pagiging makasarili…

Isipin mo ang kapakanan ng nakararami…

Sa palabas na taon, iwanan mo ang ‘yong mga problema…

At salubungin ang bagong taon na masaya…

‘Wag mong kalilimutang magpasalamat sa nasa Itaas…

Dahil Sya ang tunay na tagapagligtas!

Isang paalala:

Umiwas sa disgrasya…

Sa labas magpaputok, ‘Wag sa loob…

Happy Newnyir!!! 😀

 

 

Advertisements

One thought on “HAPPY NEWNYIR!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s