Merry Pista San Juan Ebanghelista!

 

Isang pabati sa mga mamamayan ng Lungsod ng Tanauan, Lalawigan ng Batangas.

Pista kasi ngayon dito. Kapistahan ng aming Mahal na Patron na si San Juan Ebanghelista.

Gusto ko lang batiin ang mga musiko na maagang gumising upang magbigay ng kasiyahan sa daan sa pamamagitan ng kanilang pagparada at pagtugtog. At pagpapainit ng ulo ng mga motorista dahil sa trapik na dulot ng kanilang pagparada. Sa kanilang mga bastonera na hindi na nag-abalang magdyeta para medyo lumiit ang mga nakahain na hita na parang pangbalibang ng mangga.

Mga nagtitinda ng laruan sa daan na walang sawang umaakit ng mga batang kostumer. Sana’y ‘wag nilang maiwala ang kanilang kalendaryo ng mga kapistahan sa bawat bayan sa bansa para hindi sila mawala sa eksena.

Sa mga nagpapalabunutan ng itik at mga kinulayang sisiw na nagtitipid sa pakain sa kanilang mga papremyo dahil ‘yung mga papel na nabunot ang ipinapakain nila dito. Sana sa susunod na bumunot ako eh manalo naman ako para hindi na sila mahirapang mag-uwi ng kanilang mga papremyo at hindi na nila problemahin ang patuka.

Sa mga nagtitinda ng mangga na ang isang piraso eh katumbas ng isang kilo sa palengke ang presyo at hindi nangtatalop ng mga lasing na kalahati ang presyo kung tumawad.

Sa mga nagtitinda ng mani na mura nga presyo pero ilang piraso lang ang laman.

Sa mga baklang nagbubuga ng apoy kapag singkwenta pesos ang inilagay sa kanilang sobre. Sana naman eh babaan nyo ang inyong minimum sa susunod.

Sa mga nagpapa-raffle na owner-type jeep ang papremyo pero sa sagingan lang ang bola, ‘wag na ulit kayong dadaan sa amin dahil hindi na ako bibili ng tiket.

Sa mga gumagalang nagpapaarkila ng game-and-watch sa mababang presyo, nasaan na kaya kayo ngayon? Sana eh PSP naman ang paarikilahan nyo o kaya eh XBOX 360 o kaya eh Wii o kaya PS3 dahil wala na atang game-and-watch ngayon.

Sa mga nanghaharana na one-man band na ang instrumento lang eh isang tambol, harmonica at tambourine, sana eh may bokalista na kayo ngayong kasama tsaka naggigitara.

Sa mga kumakanta sa videoke, ‘wag nyo sanang sisihin ang videoke kung mabilis o mabagal, lasing na lang talaga kayo kaya hindi nyo na masabayan ang kanta.

Sa mga may-bahay na walang sawa sa paghahanda at mga bisitang walang sawang mamyesta.

Sa mga deboto ni San Juan Ebanghelista,

Isang Merry Pyesta sa ating lahat!

Imbitado ka nga pala. Punta ka lang kahit kaninong bahay at makikain, pyesta naman eh!

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s