Isang Pagsaludo

 

Habang nakatambay kami ng isa kong katrabaho dati, naikwento ko sa kanya ‘yung mga nakita kong empliyado ng DPWH na naglilinis ng mga nagtumbahang puno sa kalsada sa kasagsagan ng bagyo. Mukhang ordinaryo lang dahil pwede mong sabihin na trabaho naman nila ‘yun pero nung nakita ko sila eh madaling araw. Naistranded din kasi ako nun kaya madaling araw na ako nakauwi.

Para sa akin isang malaking sakripisyo ang ginagawa nila at maari ko silang ituring na bayani. Tumaas ang respeto ko sa kanila at humanga ako sa kanila dahil inilagay nila sa peligro ang kanilang buhay. Nabanggit ko din sa katrabaho ko na pati sa mga katulad namin na nagtatarabaho kahit holiday, Bisperas ng Pasko, Pasko, Bisperas ng Bagong Taon at Bagong Taon. Kahit pa sabihin natin na malaki ang sweldo kapag ganung season, hindi mo pa rin matatawaran ang halaga ng makasama mo ang pamilya mo sa Noche Buena o Media Noche. Ang pagkakataon na makasama mo ang pamilya mo sa importanteng sandaling ‘yon ay hindi matututmbasan ng anumang halaga.

Tulad halimbawa ng mga nasa call center. Dahil una ng isang araw ang bansa natin kesa sa Amerika kung san nakatira ang mga kliyente nila, na-mi-miss nila ang Noche Buena kasama ang kanilang pamilya dahil sa kanilang trabaho. Tulad ng kwento ng isa kong malapit na kaibigan. Sa opisina sila nagdiwang ng kanilang Bagong Taon. Habang ang marami sa atin ang abala sa pagpapaputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon, sila naman ay abalang nagyoyosi habang pinapanood ang mga fireworks sa kalangitan sa paligid ng kanilang opisina. Tulad ng mga security guards, teller sa toll plaza, nurses at mga duktor. Lahat sila ay nasa kanilang mga trabaho at malayo sa kanilang pamilya sa mga ganitong okasyon. Mataas ang respeto ko sa kanila at lubos ang aking paghanga.

Syempre hindi ko pwede kalimutan ang mga kababayan nating nasa ibang bansa na ilang beses ng pinalampas ang ganitong pagkakataon para sa kanilang pamilya. Marami akong kilala ang nasa ganitong sitwasyon. Ilan sa kanila ay mga malalapit kong kaibigan at kamag-anak. Maging ilan sa ating mga katambayan dito sa blogsphere ay nasa parehong sitwasyon. Kahit pa sabihin nating may mga kababayan tayong kasama nila upang ipagdiwang ang ganitong okasyon, iba pa rin kung ang kasama mo eh ang mga mahal mo sa buhay. Pati birthday o graduation ng kanilang pamilya ay napapalampas nila dahil sa kanilang trabaho.

Kahit hindi ko pa nararanasan ang ganung sitawasyon, alam kong mahirap na sakripisyo ‘yon para sa kanila. Kaya isang malaking pagpupugay ang ibinibigay ko sa kanila at isang malaking paghanga ang ibinibigay ko sa kanila.

Para sa mga nagsasakripisyo sa ganitong panahon para sa kanilang pamilya…

Hinahangaan ko kayong lahat!

Saludo ako sa inyo!

Maligayang Pasko sa ating lahat at Isang Masaganang Bagong Taon!

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s