Para sa mga malalamig ang Pasko

(i-play mo muna ‘to bago ka magbasa para me background music ka!)

Na-inspired ako dun sa isa kong kaibigan. Madalas kasi syang magpost ng kung anu-ano sa kanyang wall sa Pesbuk. Hindi ko alam kung may pagka-emo sya o ano.

At dahil malapit na ang Pasko at mukhang malamig ang kanyang pasko, ‘to naman ang naka-post sa kanyang wall.

Madami pa syang post pero hindi ko na lang nilagay dahil baka gulpihin ako nun pagnakita kami.

Hindi ko alam kung bakit nila sinasabing malamig ang Pasko nila. Dahil ba single sila? E pano kaya ‘yung may mga karelasyon nga pero naglolokohan lang?

Hindi naman single ka o wala kang karelasyon eh malamig na ang Pasko mo. Maraming pang tao na pedeng magpainit sa’yo kung talagang gusto mong maging maiinit ang Pasko mo. Kung gusto mo naman eh kumain ka dun sa Tambayan na kinuwento ko sa’yo nung isang araw. Siguradong pag-iinitin din ng mga  tao dun ang Pasko mo — dahil masayahin sila (Sige na nga. Walang koneksyon ang pagpapainit ng Pasko sa pagiging masayahin. Wala lang akong ibang maisip na dahilan).

Bibigyan kita ng mga tao na pwedeng magpainit ng Pasko mo.

Yakap ni ermat. Siguradong mainit ‘yan dahil sa mainit nyang pagmamahal sa’yo. Kung wala ka namang ermat, pwede kang magpayakap sa erpat mo. Siguradong mainit din ‘yun. Kung medyo malamig, sabayan nyo ng isang kwatro kantos na gin para siguradong mas mainit. Kung wala pa rin, sa iba mo pang kamag-anak. Ayaw pa ding uminit ng Pasko mo? Subukan mo naman sa mga kaibigan.

Para kumpleto ang pagpapainit ng Pasko, habang kasama mo ang mga nabanggit sa taas, sabayan mo ng kumukulong kape ( subukan mo din ang kumukulong mantika para pati kaluluwa mo eh uminit). Masarap ding kasabay nyan eh mainit na lugaw o sopas. Syempre pati ang mga tradisyunal na puto bumbong at bibingka.

Kung talagang ayaw pa din, magsuot ka ng makapal na jacket — mga sampung patong pati pantalon. Tapos ‘wag kang maligo ng mga isang linggo. Ewan ko lang kung hindi pa uminit ang Pasko mo.

Kung tutuusin, hindi mo naman talaga kailangan ng karelasyon o “espeysal samwan” para maging mainit ang Pasko mo. Ang mahalaga lang naman eh may pagmamahal sa puso mo lalo na kahit hindi Pasko. Basta may kabutihan ka ng kalooban, ayos na ‘yun. At syempre, laging nandyan ang birthday celebrant na si PAPA JESUS (hindi si Santa Claus na inaakala ng karamihan) para paginitin ang Pasko mo sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal.

Ngayong Pasko, ikaw ang christmas tree ng buhay mo, si PAPA JESUS ang star sa taas, ang pamilya at kamag-anak mo ang christmas lights at ang mga “espeysyal samwan” ang mga palamuti sa tabi.

Sana maging mainit ang Pasko nating lahat.

Lumaganap sana ang pagmamahalan, pagbibigayan at kapayapaan ngayong Pasko — at buong taon.

At kung talagang makulit ka pa rin at hindi ka pa kuntento…

Sa summer ka mag-celebrate ng Pasko para mainit!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s