Walang Nangyari

 

Madalas mo din sigurong makita o marinig pero bihira mo lang pansinin o hindi mo lang pinapansin.

Ilang beses ko na din namabasa pero ngayon ko lang din napagtuunan ng pansin.

Bakit nga kaya ang magagaling eh ‘yung mga ordinaryong tao lang at hindi ang mga nakaupo sa pwesto?

Hindi mo ma-gets? Sige explain ko.

Por eksampol, nakikinig ka ng balita sa isang barberya. At ang isyu eh tungkol sa kung anu na namang problemang pambayan na dapat solusyunan ng gobyerno. Biglang magkokomento si Manong Barber at sasabihin ang dapat sanang solusyon sa ganung isyu at syempre makikiayon sa kanya ang isa pang barbero o miron.

Sa mga ganitong pagkakataon, kulang na lang eh sila ang pumalit sa pwesto kung sino man namumuno sa gobyerno. Dahil lagi silang may mga madaling solusyon sa kung anuman ang isyu. Sa simpleng pakikinig lang eh may alam na agad silang sagot sa problema at hindi na nila kailangang gumugol ng mahabang oras sa upuan para mag-isip ng mabuti at mas magandang solusyon.

Tuwing nakakakita o nakakarinig ako ng mga ganito, hindi ko maiwasang isipin kung bakit hindi sila naging politiko?

Ang isang pang napapansin ko, lalo na ngayon, marami ang nagpapaalala lagi sa pagbabagong ipinangako ni P-Noy. Kahit nung nakaraang administrasyon eh ganun din. Lagi silang naghahanap ng pagbabago sa isang gobyerno pero hindi nila mabago ang sarili nila.

Ang mga namumuno sa bayan natin eh mga tao lang din. Tulad din natin silang kumakain, nagugutom, mabaho ang hininga pagbagong gising at mabaho ang utot. Hindi sila mga genie na kapag humingi ka ng wish na pagbabago eh mabibigay agad sa’yo sa isang igalap at me bonus pang dalawang extra wish.

Humingi ka ng pagbabago sa gobyerno pero hindi mo ni-rereport ang mga alam mong katiwalian.

Gusto mo ng pagbabago pero madalas kang manuhol ng mga traffic enforcer kapag nahuhuli ka.

Gusto mo ng pagbabago pero ayaw mo namang sumunod sa mga batas trapiko.

Gusto mo ng pagbabago pero nangingikil ka para sa pondo ng iyong grupo.

Gusto mo ng pagbabago pero ikaw sa sarili mo mismo eh hindi nagbabago.

Anong gusto mo?

Milagro?

Kahit sino ang mapapunta sa pinakamataas na posisyon pero ang mga nasasakupan nya ay walang ginagawa para sa kanilang sarili, wala ding mangyayari.

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Walang Nangyari

    1. mikkimao May-akda ng Post

      mejo matagal na nga din ako hindi nakakapasyal sa bahay mo sir daniel… nawalan kasi kami ng connection… hehehe… tska kalalabas ko lang din ng hospital kaya matagal din hindi napatambay…hehehe Happy Christmas din sa’yo Sir Daniel 🙂

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s