Hanggang san ang 20 pesos mo?!

 

Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

Tumaas ang presyo ng gasolina.

Tumaas ang presyo ng tinapay.

Tataas ang singil ng toll fee.

Pati singil sa pamasahe sa mga jeep eh tataas na din!

Naalala ko tuloy ang isang commercial ng ice cream.

San nga ba aabot ang 20 pesos mo?

Kasabay ng kabikabilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, naitanong ko din sa sarili ko kung san nga ba aabot ang 20 pesos ko?

Nakita ko naman ang sagot sa katanungan kong ito habang naglalakad sa may sidera sa may simbahan dito sa Lungsod ng Tanauan, Lalawigan ng Batangas.

Dahil malapit na ang pasko, tumingin tingin ako ng pwedeng ipangregalo dito sa may sidera. Madaming mga tindahan at madami ka ding pwedeng bilhin na mura. Matapos ang may isang oras na paglalakad at pagtingin-tingin sa mga tindahan, naisipan kong magpahinga at kumain. Marami din namang kainan dito. Ang problema nga lang eh medyo may kamahalan ang presyo. Kung hindi naman mahal eh alam kong hindi ako mabubusog.

Sa konting lakad pa, may nakita akong “Tambayan” ( ‘yan ang pangalan nung tindahan na bida dito). Madami din silang tinda. May spaghetti, macaroni, siomai, bbq, inihaw na paa ng manok at isaw ng manok, pancit canton at lugaw.

Pasok na sa akin ang lugaw dahil kanin din naman ‘yun. Pinalagyan ko ng itlog para malibang ang ngipin ko sa pagnguya. Kumuha din ako ng gulaman nila. Pagkatapos kong kumain, tinanong ko kung magkano ang nakuha ko. Nagulat ako dahil 20 pesos lang pala!

Akalain mo ‘yun?!

Mabubusog pa pala ako sa 20 pesos?!

Saktong may nakita akong kakilala kaya nagpalibre pa ako ng bbq at siomai (busog na ako pero gusto ko lang talagang tikman ‘yung bbq at siomai nila!).

Ayos ang timpla ng siomai at bbq nila. Mas masarap siguro ‘yun kung naisabay ko sa lugaw ko.

Sulit na sulit sa sarap ang presyo nila!

Kaya kung gusto mong mabusog ang 20 pesos mo, pumunta ka na dito sa “TAMBAYAN”!

Kung taga-Tanauan ka, swerte mo dahil madali mong matitikman ang sarap ng kanilang lugaw, bbq at siomai.

Pero kung medyo may kalayuan ka, punta ka na lang dito at ikaw na mismo ang magpatunay sa sarap na sinasabi ko…

Tambay na!

😀

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s