Hanggang sa muling pagkikita…

 

Matapos ang ilan taon naming hindi pagkikita, muli kong nasulyapan ang kanyang mukha. Wala pa ring masyadong nagbago sa kanyang pigura. Ganun pa din ang kanyang ayos. Ang kanyang buhok, ang kanyang balat, ang kanyang mukha, ang lahat sa kanya. Nandun pa rin ang maganda nyang ngiti na sa tuwing nasusulyapan ko ay hindi ko rin maiwasang mapangiti. Gaya ng dati, makulit pa rin sya. Nakukuha nya pa rin ang kiliti ko. Hindi ko pa rin maiwasang magkwento sa kanya ng tungkol sa kung anu-ano. Nandun pa rin ang biruan at kantyawan. Matapos ang ilang taon, parang wala pa ring nagbago.

Hindi ko na inaasahan na mangyayari ito. Hindi na ako umaasang muli kaming magkikita at magkakausap. Alam kong hindi ako kumportable pero bakit nagagawa ko pa ding magkwento sa kanya at sabihin kung anu man ang nasa isip ko. Parang wala lang ang mga nakalipas.

Alam kong tatanungin nya ako tungkol sa nangyari nung araw na ‘yun. Tugkol sa hindi ko pagsipot sa usapan namin. Tungkol sa biglaan kong paglayo. Wala na akong pagkakataon pang tumanggi. Wala na akong ibang magagawa kundi sabihin ang totoo. At sinimulan kong ikwento ang mga pangyayari nung araw na ‘yun at ang mga sumunod hanggang sa pagkikita naming ito. Hindi pa rin ako nakapaglihim sa kanya.

Habang nakatingin ako sa langit na parang binibilang ko ang mga bituan, nagsimula akong magsalita…

Sinabi ko ang totoo…

Sinabi ko ang lahat…

Parang muli kong binuksan ang buo kong pagkatao sa kanya…

Matapos ang mga huling salitang kong binitawan, nakita ko na lang syang unti-unting lumalayo. Gusto ko syang habulin at pigilin pero hindi ko magawa.

Walang syang ibang nasabi sa akin. Wala salita akong narinig mula sa kanya.

Habang unti-unti syang lumayo, unti-unti ring naglalaho ang kanyang anyo sa aking paningin.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang hindi ko na tuluyang makita ang kanyang paglalaho sa dilim.

 

Sa muli kong pagdilat, maliwanag na ang aking paligid…

 

Umaga na pala…

 

At panaginip lang pala ang lahat…

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s