Itinatagong Lihim

 

 

Galing sa isang sugatan atang puso.

Pagbigyan natin ang trip.

Kuya Mao,

Gusto ko lang ilabas ito. Matagal ko nang itinatago ito dahil ayaw kong masira ang pagiging magkaibigan namin dahil ‘yun ang gusto nya pero parang hindi ko na yata kayang itago pa.

Hindi ko inaakala na magiging ganun kabilis ang lahat. Masakit para sa akin ang mga nangyari  para sa akin at alam kung hindi na ako makakakita ng katulad mo. Parang kahapon lang nangyari ang lahat sa atin kahit ilang taon na ang nakakalipas nung huling gabi tayong magkasama. Mga tawanan natin at mga kwentuhan, lahat ay namimiss ko. Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang mga nakaraan lalo na ngayong malapit ka nang ikasal pero gusto ko lang malaman mo lahat ito. Salamat sa oras, panahon at pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Sana maging masaya ka na sa piling nya. Hindi kita makakalimutan kahit kailan. Mahal na mahal pa rin kita Gino.

Salamat sa blog mo Kuya Mao. Sana mabasa nya ito dahil sya ang nagsabi nitong blog mo sa akin. Salamat ulit sa’yo.

G.M.

Salamat din sa’yo G.M. at sa kanya na rin dahil kung hindi dahil siguro sa kanya eh hindi ka siguro maliligaw dito.

Alam kong hindi mo hinihingi pero hindi ko maiwasang hindi magbigay ng reaksyon tungkol sa nararamdaman mo.

Kunwari na lang close tayo at isa ako sa malalapit mong kaibigan na nagbibigay sa’yo ng payo.

Sa isang banda, natutuwa ako dahil inilabas mo pa din ang nararamdaman mo. Marami ang nahihirapan na mailabas kung ano ang tunay sa saloobin sa isang bagay — tulad ko. Kaya ko ginawa ‘tong tambayan na ito ay para milabas ko ang mga gusto kong ikwento at mga opinion ko sa bagay bagay. Subukan mo ding gumawa ng tambayan para naman me outlet kang kung sakaling trip mong magpaka-emo ulit. Sabihan mo lang ako kahit sa comment box na lang para ma-add kita sa blogroll ko.

Ang payo ko lang sa’yo kahit hindi mo hiningi eh kalimutan mo na sya. Alam kong mahirap pero kung ‘yun ang mas magandang paraan para hindi ka na masaktan, gawin mo. Hindi naman totally kakalimutan mo sya pero kumbaga dumistansya ka muna. Wala munang communication para kahit papano eh maka-move on ka kahit konte. Siguro malinis ang intensyon nya na makipagkaibigan sa’yo. Alam nya din naman siguro na mahirap sa part mo kung magiging magkaibigan pa rin kayo maliban na lang kung nagpapakaplastik ka sa sarili mo. Sinasabi mong okey lang pero hindi pala. Gets?

Isa din sigurong dahilan kaya hindi ka makapagmove-on eh kasi dahil isang araw pa lang ata mula nung mag-break kayo eh naging magkaibigan na agad kayo. Naglolokohan lang kayo kung ganun nga ang nangyari.

Sinabi mo din dito na alam mong hindi ka na makakahanap ng tulad nya at alam ko na din ‘yun. Pero siguradong makakahanap ka pa ng higit sa kanya — tandaan mo ‘yan.

Siguro kaya hindi mo sya agad malimutan dahil masyado kang nasarapan — sa kanyang pagmamahal. Siguro malambing sya sa’yo, caring, thoughtful ‘yung mga ganun. Mahirap talagang malimutan ang taong masarap na pagmamahal.

Dahil hindi mo naman siguro talaga kailangan ang opinyon ko, wala na akong ibang sasabihin.

Sana eh makakita ka ng taong karapatdapat para sa’yo at maging masaya ka.

Salamat ulit sa pagtambay at sana eh nabawasan ng konte ang sakit na nararamdaman mo.

Ang Iyong Kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! :-D

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

:-D

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s