Kunwari Lang

 

 

Hindi ko alam ang trip nitong isa nating katambayan. Pero ginawan ko pa din ng paraan para sya ay mapagbigyan.

Lumapit ka at iyong tunghayan!

May makulit akong kwento sa’yo Kuya Mao. Tungkol dun sa ka-M.U. ko dati. Nagkita kasi kami kanina. Binati ko sya pero hindi nya ako pinansin. Ayos lang naman ‘yun eh. Wala namang problema. Gusto ko lang i-share sa’yo at sa mga magbabasa mo.

killoots

Salamat sa pag-she-share mo Killoots.

Hindi ko alam kung san ako na kulitan. Sa kwento mo, sa ex-M.U. mo o sa’yo.

Pansin ko naman na ayos lang sa’yo na hindi ka nya binati kahit binati mo sya. Obvious naman na hindi ka apektado sa nangyari. Tingnan mo nagawa mo pa ngang i-share dito sa tambayan natin dahil hindi ka naman talaga apektado. Ayos lang talaga sa’yo ‘yun.

Trip mo ‘yan kaya hindi ko na babasagin pero gusto lang kitang payuhan kati hindi ka nahingi.

Kunwari na lang apektado ka sa hindi pagpansin sa’yo ng ex-M.U. mo.

Hindi ko alam ang istorya nyong dalawa dahil hindi mo naman sinabi at wala ka naman atang balak sabihin.

Kunwari ulit maganda naman ang paghihiwalay nyong dalawa kahit hindi naman kayo naging mag-jowa, pero hindi ka pa din nya pinansin.

Hindi naman dapat sumama ang loob mo sa kanya dahil sa hindi nya pagpansin sa’yo. Siguro may dahilan sya kaya hindi ka nya pinansin. Pero dahil nga kunwari eh ayos naman ang paghihiwalay nyo, siguro bitter lang sya. Malay mo kaya masama ang loob nya eh dahil hindi kayo naging mag-jowa. May istorya pa siguro sa likod nun kaya hindi ka nya pinansin.

Pero kung tatanungin mo ako ng matino at hindi kunwari, wala naman talaga akong makitang dahilan kung bakit hindi kaya papansinin. Kung ano man ang nakaraan sa inyong dalawa eh wala na ‘yun. Tsaka naging mag-M.U. lang naman kayo eh. Hindi kayo naging mag-jowa. Kahit pa siguro naging mag-jowa kayo eh kung anu man ang nakalipas eh dapat wala na ‘yun. Mapwera na lang kung kahapon lang kayo nag-break at niloko mo sya!

Iba-iba din ang pananaw ng tao tungkol dito. Ang sinasabi ko sa’yo eh ‘yung pananaw ko.

May nagsabi sa akin dati na ayaw nya daw magin kaibigan ang ex nya (jowa o M.U.). Ang dahilan nya eh kasi may nakaraan daw sila. Kung magkakaroon daw ulit sila ng communication o magpapansinan ulit, hindi malayong magkabalikan ulit sila.

Walang masama dun lalo na kung pareho naman silang single. Tsaka sabi nga nila, “love is sweeter the second time around”.

Kung nagkahiwalay naman sila ng may samaan ng loob, sabi nga nila, “time will heal and only time can tell”. Hindi ko alam kung tama ‘yung sabi ko na sabi nila pero alam kong na-gets mo ‘yun.

Kung “In A Relationship” naman ang status nilang dalawa o nang isa sa kanila, alam na siguro nila ang limitations ng pagkakaibigan nila.

Para sa akin, walang masama sa pagkakaibigan, mas masama ang may kaaway dahil madadali ang buhay mo.

Pero kung ‘yun talaga ang trip nung ex-M.U. mo, wala tayong magagawa. Kanya-kanyang trip ‘yan, walang basagan.

Sana nasagot ko ang hindi mo tinatanong. Isipin mo na lang, kunwari, hindi kayo magkakilala!

Daan ka lang ulit sa dito sa tambayan natin at baka may makita kang sagot ulit sa hindi mo tinatanong.

Ang Iyong Kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! :-D

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

:-D

 

 

Advertisements