Paano na sila?

 

 

Sa isang dokumentaryo tungkol sa child labor na napanood ko dati, sinabi ng isang bata na gusto nya mag-aral pero hindi nya magawa dahil sa kakulangang pinansyal. Kailangan nyang magtrabaho para buhayin ang anim nyang kapatid at ang inang may sakit.

Ang nakakalungkot pa dito, sinabi ng bata na wala na daw syang pangarap. Ang gusto nya lang daw ay kumita ng pera para masuportahan ang kanyang pamilya, pero ang pansarili nyang pangarap — wala na.

Nakakalungkot ding isipin na sa dami ng foundations sa bansa na nagbibigay ng scholarship para sa mahihirap na kababayan natin, parang wala man lang gustong magbigay ng scholarship sa mga batang ito.

Ilang pulitiko, personalidad at grupo ang ipinagyayabang ang kanilang foundation at scholarship program pero kahit isa man lang ata eh walang nagbigay ng importasya sa mga batang ito para mabigyan din scholarship. At kung talagang ganun ka dami ang nagbibigay ng scholarship, bakit marami pa ring kabataan ang hindi nakakapag-aral.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang pagkuha ng scholarship sa kanila eh para ding pagtama sa lotto — swertihan. Madaming proseso kang dadaanan at kailangan mong i-maintain ang kanilang specific average para hindi ka matanggalan ng scholarship. Kung talagang gusto nilang makatulong, simpleng lang ang kailangan nilang itanong sa aplikante, may pangarap ka ba?

Tapos.

Kung ang isang tao ay may pangarap sa buhay, hindi sya titigil hangga’t hindi nya nakukuha ‘yon.

Tulad ng pagtaya sa lotto.

Hangga’t hindi ka nananalo, hindi ka titigil sa pagpila ng mahaba at pagtaya.

Nung nag-aaral pa ako, iskolar din ako. Hindi ako hihihingan ng mataas na grade nun. Basta pasado ang grade ko, ayos na. Hindi ko kailangang mag-renew ng scholarship every school year. Hindi ko kailangan sumunod sa isang mahabang proseso para makuha ang scholarship. Mag-e-enroll lang ako kada taon, papasok at mag-aaral.

Ayos.

Salamat sa scholarship program ng magulang ko.

Pero saludo pa rin ako sa iskolar dahil may utak na sila, may pangarap pa.

Sana lang eh ‘wag ng masyadong pahirapan ng mga may scholarship program ang mga kabataan na gusto makinabang sa kanilang programa.

Madaming kabataan ang may pangarap pero hindi sila makakuha ng scholarship dahil ang unang requirement para dito eh talino. Aahin mo ang talino at pinagaralan mo kung wala ka namang pangarap. Kusang lalabas ang talino mo basta may pangarap ka.

Hindi ito basta pangarap ng mga estudyanteng manlalaro ng isang eskwelahan kundi pangarap ng mga simpleng kabataan na hindi magaling pagdating sa sports pero may pangarap.

Hindi mo kailangang maging matalino, kailangan lang ay pangarap mo.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s