Dahi-dahilan (v.II)

 

 

Gaya kahapon, puro pa rin ako dahilan ngayon.

Pero hindi tulad kahapon, iba naman ang dahilan ko ngayon.

Ano ang dahilan ko ngayon?

BABAE!

Oo.

Babae.

Maari kong sabihin na sya ang babaeng nagpaikot sa buhay ko. Sya ang babaeng pag-aalayan ko ng buhay ko. Lahat ay gagawin ko para mapasaya sya, at kung hindi ko man maibigay ‘yun, masakit para sa akin.

Nung una ko syang nakita, hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko. Parang nagliwanag ang buong paligid nung sandaling ‘yon. Kulang ang tenga ko sa laki ng ngiti ko sa labi.

Mula nang araw na ‘yun, nagbago ang buhay ako. At alam kong ang habang buhay ‘yon. Sa ang naging dahilan kung bakit kailangan kong mabuhay.

Ilang beses na din akong napaluha dahil sa kanya. At sa bawat patak ng luhang, alam kong babangon ulit ako para sa kanya. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na mahina ako, dahil kailangan kong maging malakas para sa kanya. kailangan kong magkaroon ng pangarap para sa kanya at kailangan kong tuparin ‘yon kasama sya. Sya ang nagbibigay ng lakas sa akin para gumising sa araw-araw. Sya ang nagiging inspirasyon ko sa pagsisikap sa buhay ko — kung meron man. Sya ang dahilan ng lahat para sa akin.

Maari kong sabihin na iba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko dahil sya ang buo sa pagkatao ko. Madalas nya akong pangitiin sya mga hirit nya. Kahit makita ko lang ang simple nyang ngiti, ibang saya ang nararamdaman ko.

Mahal na mahal ko ang babaeng ‘to higit sa buhay ko. At handa akong iaalay ang buhay ko para sa kanya. Hindi nya lang alam kung gaano ako kasaya dahil sa kanya.

Tatlong taon na din ang nakakalipas nung una ko syang makita pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ang maganda nyang mata. Mapupulang labi. Makinis na kutis. Lahat ‘yan ay hindi ko pagsasawaang pagmasdan kailan man.

Kung mababasa nya lang ito ngayon, sasabihin ko sa kanya:

Mahal na mahal kita baby!

Happy Birthday!

Buti kamukha ka ni Daddy!

(Hindi ito ang recent picture nya!)

HAPPY BIRTHDAY ANAK!

😀

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Dahi-dahilan (v.II)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s