Dahi-dahilan (v.I)

 

 

Kanya-kanya tayo ng dahilan sa buhay at para mabuhay. Gumagawa tayo ng paraan para sa sarili nating mga dahilan.

Kapag ayaw sumama, may dahilan. Kapag ayaw pumasok, may dahilan. Lahat ng gawin natin may dahilan.

Naniniwala ako na lahat ng bagay ay may dahilan.

Tulad ng isang kaibigan ko na gustong manligaw sa isa naming kaibigan. Sinabi nya sa akin ang mga diskarte na gagawin nya sa panliligaw pero ayaw nyang ipaalam sa liligawan nya na manliligaw sya (para din ata hindi nya malaman kung basted sya o hindi). Sinabi ko sa kanya na maghanda na sya ng dahilan kung sakaling magtanong ‘yung nililigawan nya.

Pero hindi din namana dapat ng dahilan eh kailangan mong malaman.

Kung ano ang dumating, ayos na ‘yan. Tanggapin mo na lang. Kahit may dihalan kung bakit nangyari ang isang bagay, wag mo ng madaliin ang pagalam sa dahilan nun. Sa pagtakbo ng buhay mo eh malalaman mo din ang dahilan sa likod ng lahat ng pangyayari.

May mga dahilan din naman na hindi mo na dapat alamin. Kung minsan kasi, ang mga dahilan na ‘to ang nagiging dahilan kung bakit pumapangit pa kung ano ang ayos na.

Tulad sa pananampalataya.

Kapag may nangyari sa ating hindi maganda (o maganda), tinatanong natin si PAPA LORD kung bakit ganun ang nangyari sa atin (pero madalas kapag maganda, hindi na tayo nagtatanong). Maaring dahil sa pananampalataya natin. Maaring nakalimutan na nating makipagusap o makipagkwentuhan sa Kanya.

Sabi nga, ginigising lang Nya ang natutulog nating kululuwa at pinapaalala na nandyan Sya. Kaya mas maganda kung maganda man o hindi ang nangyari sa buhay natin, makipagkwentuhan tayo sa Kanya at ‘wag natin Syang kalimutan.

Pero madalas, hindi mo agad ma-ge-gets na ‘yun pala ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari sa buhay mo. Kapag tumagal na, saka mo lang maiisip na ‘yun pala ang dahilan.

Pero syempre, hindi lang ‘yun ang may dahilan at hinahanapan natin ng dahilan. Halimbawa ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa paligid natin.

May ilang malinaw na ang dahilan pero nagbubulag-bulagan lang tayo at meron din namang hanggang ngayon eh hinahanapan pa din natin ng dahilan.

Tandaan mo, hindi lahat ng tanong ay may kasagutan, pero lahat ng bagay ay may dahilan…

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s