Isang Akbay

 

 

Nakakita ka na ba ng mag-jowang laging magka-akbay?

Malamang.

Napansin ko madalas sa mag-jowa eh laging ‘yung lalaki ang nakaakbay sa babae. Nakakatuwa lang isipin na matapos manligaw nung lalaki eh gagawin lang palang dantayan ng kamay ang babae kapag ngalay na. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa ngalay ‘yun o magaspang ang kamay nung jowa nya kaya nakaakbay na lang sya.

Iba’t-iba din ang klase ng mga akbay sa jowa.

May nakaakbay na parang niyayakap na ‘yung inaakbayan na parang may mangaagaw. Meron din namang nakaakbay na parang ipinagyayabang ang inaakbayan nya. Meron namang kulang na lang eh pati ‘yung kabila eh iakbay na rin, ‘yung parang nililikisan. At meron namang parang walang lang. Parang sinabihan nung jowa na umakbay naman sya kaya mukhang napipilitan at mukhang nakadantay lang sa poste.

Pero bakit nga ba karamihan sa mga mag-jo-jowa eh laging magka-akbay?

Personally, hindi ako umaakbay sa jowa ko dahil nangangalay ang kamay ko o dahil gusto kong ipagmalaki na maganda ang inaakbayan ko kahit pangit ako.

Ako kasi umaakbay sa jowa para maging proud sya dahil ako ang nakaakbay sa kanya — pero minsan lang.

Madalas kasi kaya ako umaakbay dahil gusto kong iparamdam sa kanya na safe sya sa akin. Na-tipo kung meron man biglang mansasagasa na kasalubong namin eh mabilis ko syang maiiwas. At para mas dramatik ang dating eh sasamahan ko na din ng slowmotion na pagyakap at pagkatapos eh magkakasalubong ang mga mata namin at maglalapat ang mga labi. (palakpakan ang iba pang dumadaan)

Para sa akin kasi, security ang ibig sabihin ng akbay ko sa jowa. Para din medyo mainitan sya kapag namamasyal kami sa malamig na lugar at bilang pag-alalay na din sa kanya.

Pero sabi ko nga, para sa akin ‘yan lahat.

Ewan ko kung ano ang dahilan nila kung bakit sila naakbay sa jowa nila.

 

 

Halika nga…

 

 

Paakbay ng isa…

 

 

Open-mouthed smile

 

 

Advertisements

One thought on “Isang Akbay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s