Ilabas ang pang-mais!

 

 

Isa sa katangian natin ang pagiging palangiti.

Kahit ano yata ang pagdaanan natin sa buhay eh hindi pa rin natin maiiwasang mapangiti minsan.

Kung ikaw ay may naalalang karanasan nung kabataan mo, maging kahihiyan man ‘to o kalokohan, siguradong mapapangiti at may kasama pang pag-iling minsan.

Kahit nagbabasa ka lang ng text minsan, hindi mo maiwasang mapangiti minsan.

Kung nahihiya ka, ngiti lang.

Kahit kapag tinatanong ka, ngiti lang ang nagiging sagot mo minsan.

Ngiti ang nagiging tugon natin sa mga simpleng paanyaya at mga simpleng biro.

Ngiti lang din ang nagiging sagot natin sa ibang katanungan — lalo na kapag hindi mo alam ang sagot.

May kaklase ako nung hayskul na tuwing tinatanong ng teacher eh ngiti lang ang sagot. Hindi ko alam kung nagpapa-kyut lang sya o pinagyayabang ang bago toothpaste na gamit nya.

Hindi ko rin alam kung gusto nyang magpapiktyur kaya sya nakangiti — o baka naman nasa ngipin nya ang sagot.

May mga babae naman na kapag binobola ng manliligaw eh sinasabay ng matamis na ngiti habang hawak ang dalawang kamay at pumipihit-pihit na akala mo eh naiihi.

May iba’t-ibang tawag din sa ngiti.

May ngiting aso, ngiti kabayo, ngiting unggoy at ngiting tao pero hindi ko alam ang pinagkaiba ng mga ‘yan. At hindi ko rin alam kung alin ba ang mas magandang gamiting ngiti pagmagpapapiktyur ka.

May isa pa akong kaibigan na nakangiti tuwing may kausap sya sa celphone. Hindi ko alam kung joke ‘yung pinag-uusapan nila o nakikita sya nung kausap nya kaya dapat eh nakangiti sya.

Maraming ibig sabihin ang mga pagngiti natin — at walang masama dito.

Isang magandang ugali natin ito dahil sa kabila ng mga problema sa buhay at lipunan, hindi pa rin natin nakakalimutang ngumiti.

 

 

O?

 

 

Ngiti muna!

 

 

😀

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s