Mas magaling ‘to kesa sa gamot mo

 

 

Ayoko ng nagkakasipon ako.

Hindi kasi ako komportable kapag may sipon at mabilis ako maiirita.

Hindi ko alam kung anong koneksyon nun sa ilong ko, ayoko talaga ng nagkakasipon ako — pero hindi ko naman maiwasan.

Lalo na kung tunaw ‘yung sipon o parang tubig lang.

Badtrip ‘yun lalo na sa gabi kapag matutulog ka na.

Isipin mo na lang.

Nakahiga ka na sa kama. Dahil mas komportable ka ng nakatagilid, tatagilid ka. Pero maya-maya mararamdaman mo na parang may kung anong likido na dumadaloy sa may ilong mo papuntang pisngi. Dahil antok na antok ka, hihilahin mo ang kumot sabay punas s likidong tumatagas.

Ayos!

Paggising mo sa umaga, akala mo naman eh mamamatay ka na dahil hindi ka makahinga. Puno pala ng “agiw” ang ilong mo. At hindi lang ito basta “agiw”, kundi matitigas na “agiw”. ‘Yung tipong nakapalibot na pati sa labas ng ilong mo. Maskit tuklapin ‘yung mga ‘yun. Tapos may mga skid marks ka pa sa pisngi ng dumaloy na likido mula sa ilong mo na hindi mo napunasan ng kumot.

Badtrip din ang sipon lalo na kung nasa byahe ka. ‘Yung mga malayuang byahe na hindi ka naman basta makasinga para mabawasan ang laman ng nasal cavity mo. Hindi ako basta nasinga sa byahe kapag may sipon ako. Hindi kasi ako mahilig magbaon ng tissue. Ayoko namang sa panyo ako sisinga tapos sabay punas ng pawis. Baka kumapit sa noo ko ‘yung sipon at akalain ng makakasalubong ko eh nag-ge-gel ako kahit kalbo ako.

Pero may teknik para mabawasan mo ang sipon mo sa ilong kahit paano. Singhutin mo lang tapos pupunta ‘yun sa pharynx at pwede mo na syang lunukin! ‘Wag mo kakalimutang maglagay ng  asin sa dila pagkatapos para may konting lasa ang sipon mo.

‘Pag naman medyo malabnaw pa din ang sipon mo, hindi mo pa rin maiiiwasang tumulo ‘to. Kulang na lang eh palsakan mo ng panyo ang ilong mo para hindi tumulo.

Dahil isa ito sa pinakaayaw kong sakit, naghanap ako ng mabisang gamot para dito. Parkiramdam ko kasi inuuto lang ako ng mga generic na gamot. Dati kasi, banig-banig ako kung bumili ng gamot para sa sipon at madalas ko ‘tong ginagawang kendi. Wala namang epekto. Kalokohan kasi ‘yung mga komersyal nila na kailangan mo lang eh uminom ng gamot at tubig at pahinga tapos kinabukasan eh wala ka ng sipon. Ang nangyayari sa akin eh umaabot ng hanggang isangg linggo ang sipon ko, minsan eh higit pa.

Nagpapakulong lang akong luya at bawang. Masarap inumin habang mainit pa kahit tangahaling tapat.

Anong ang lasa?

Parang salabat with a twist of garlic.

Tantsahin mo na lang kung gaano kadaming luya at bawang ang ilalagay mo. Pero syempre para hindi masyadong lasa ang bawang, damihan mo ang luya.

Natural medicine ‘to dahil ang luya ay natural na anti-bacterial pati ang bawang. At ang bawang ay sangkap din sa maintenance na gamot ng mga may highblood at kontra cancer din ‘yun. Kaya paguminom ka nito, gaganda na ang boses mo, hindi ka pa mahi-highblood.

‘Wag mo lang kakalimutang magtoothbrush pagkatpos mong uminom nito dahil siguradong hindi lang aswang lalayo sa’yo.

Mabilis din makahawa ang sipon lalo na sa mga mag-jowa dahil syempre, nagpapalitan sila ng laway.

Tandaan: Kapag may sipon, uminom ng luya at bawang na pinakuluan at iwasan munang makipaglaplapan!

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s