Kung nakikinig sya ngayon?

 

 

Kagabi, sinabayan ko ng pakikinig sa radyo ang paghihitay sa antok.

Pasado alas-12 na din ng gabi pero hindi pa ako inaantok. Siguro dahil sa programa sa radyo. Hindi ko alam ‘yung title nung programa at hindi ko din kilala kung sino ‘yung DJ pero nalilibang ako. Tipong Joe ‘D Mango kasi ‘yung programa. Makulit ang mga banat ng callers pati na ang pambara nung DJ. Sari-saring kwentong pag-ibig. Pero napansin ko lang na puro lalaki ata ‘yung callers.

Hindi pa umeere ‘yung programa, nakatutok na ako sa istasyon na ‘yun kaya nasimulan ko ‘yung programa. Parang wala ata akong narinig na boses babae o nagboses lalaki lang sila?

Tuloy ang “sermon” nung DJ sa mga callers. Payo dito, payo dyan. May natutunan din ako kahit paano.

Nung nasa last caller na, wala ng paligoy-ligoy. Dumertso sa pagsasabi ng problema ‘yung caller.

Tungkol pala sa long distance relationship nya.

Medyo nawawala na pala sweetness at communication nila nung jowa nya.

Syempre, nagpayo naman ng DJ na mukhang nabubugnot na dun sa caller dahil puro negative ang iniisip nya.

Hindi pa man nagagawa eh parang sumusuko na agad.

Kahit hindi ko nakikikita ‘yung DJ, ramdam ko sa boses nya ang pagkaasar.

Napapangiti na lang ako.

Pero habang tumatagal ang usapan nila, may napansin ako dun sa boses nung caller.

Akala ko nung una eh nagkataon lang. Pero nung sinabi na nya ang pangalan ng babae, tsaka ko lang napatunayan.

Kakilala ko pala ‘yung caller!

Kaya pala parang napipicture-out ko ‘yung kwento nya.

Kaya pala parang nakita ko na din ang mga bawat eksena sa kwento nya.

Ngayon lang ako nakapakinig ng ganung programa sa radyo at sakto pang kakilala ko ang narinig kong boses paiyak na.

Hindi masama ang tumawag sa ganung programa.

Kaya lang ako napapangiti eh dahil wala sa hitsura nung kakilala kong ‘yun na tatawag sya sa ganun.

Kung umasta pa man din ‘yun eh parang kayang-kayang magpalit ng jowa araw-araw.

At ibinuhos na din nya ang lahat ng nararamdaman nya nung tinanong na sya nung DJ:

“Kung nakikinig sya ngayon? Anong gusto mong sabihin?”

😀

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s