Bakit nga ba?

 

 

“Baket kailangang may umalis????”

‘Yan ang tanong ng isang kaibigan sa kanyang wall sa Pesbuk.

Naalala ko ulit ang tanong na ‘yan dahil sa isang poste ng isa nating tropa, si Sphere. (pakihanap mo dyan sa tabi ‘yung pangalan nya)

Naging emosyonal sya sa paghihiwalay ng dalawang tao na malapit sa kanyang buhay. (hindi ko na ikukwento dito kung sino, pakibisita na lang ang kanyang bahay)

Tama ka, paghihiwalay ng dalawang nag-iibigan ang tema.

Siguro naitanong mo na din ito minsan sa sarili mo.

Ilang beses ka na din sigurong nakarinig ng mga pampalubag loob na sagot sa mga ganitong klaseng tanong.

Sige, dagdagan pa natin.

Sabi nga, “There’s nothing constant in this world but change, death and goodbyes.”

Usapang pag-ibig mode muna.

Naranasan mo na din siguro minsan na, kung kailan mo naramdaman at nakita ang tunay mong minamahal eh tsaka naman kayo maghihiwalay.

Tama ang nasa isip mo.

Hindi pa ‘yun ang tunay mong pag-ibig dahil nagkahiwalay pa kayo.

Ang tunay na pag-ibig eh hindi nangiiwan sa ere.

Hindi ka basta-basta pababayaang bumagsak at kung mangyari man ‘yun eh sisiguraduhin nyang may malambot kang babagsakan.

Tulad ng pag-ibig ni Papa Jesus para sa ating lahat.

Kailan man hindi nya tayo iniwan dahil mahal nya tayo — tayo lang ang nangiiwan sa kanya. At lagi pa ring nakabukas ang kanyang mga bisig at hinihintay ang pagbabalik natin sa Kanya.

Kung pag-ibig naman ng tao ang pag-uusapan, laging nandyan ang iyakan tuwing may nagpapaalam.

Sigurado ‘yun!

At isa na ako sa nakaranas nun.

Maaaring ang iba eh ayaw ipakita o nagmamatigas pero sabi nga, ang iyak daw ang paghuhugas ng ating kaluluwa. Pagkatapos umiyak ng isang tao dahil sa tuwa, galit, saya o lungkot, gumagaan ang kanyang pakiramdam.

At ‘yung iba naman na nagmamatigas at kunwari eh superhero na hindi nasasaktan o iniinda ang sakit, dahil sa PRIDE, suicide ang karaniwang binabagsakan.

Maraming paraan para mailabas mo ang emosyon mo at ang tunay mong nararamdaman. Bahala ka na kung paano mo ilalabas ‘yan.

Walang masama sa paiyak — kahit ikaw ay lalaki.

Mas mabuti na ‘to kesa mag-drugs o magnakaw.

Wala kang mapeperwisyong ibang tao sa pag-iyak — ‘wag lang O.A.

Tunay ngang sa bawat pagpapaalam ay may sakit na kasama pero wala kang ibang magagawa kundi tanggapin ‘yun.

Madami ka ding maririnig na mga pampalubag loob na maririnig na gaya nito pero tunay lahat ‘yon.

Maaaring hindi mo matatanggap sa simula dahil nandyan pa ang sakit.

Hindi pa magaling ang sugat.

‘Wag mo munang galawin at baka magnaknak — mas masakit ‘yun.

Pero kapag dumating na ang tamang tao para sa’yo, tatawanan mo na lang kung anuman ang nakaraan mo.

Hindi mo na mararamdaman ang sakit at hapdi na dala ng sugat ng kahapon dahil may isang tao na dumating sa buhay mo na may dalang mabisang antibiotic para sa sugat mo.

Pero para may iba ka pang mabasa o mabasa ulit na sagot sa tanong sa taas, ito ang ilan:

Kaya may umaalis at nagpapaalam na bisita dahil may darating pang iba at baka wala na kayong ipakain. Pwede ring lasing na ‘yung iba.

Kaya may namamatay dahil may bagong isisilang at para hindi masyadong maging over populated ang mundo.

Kaya may naghihiwalay dahil may nagpakasal o naging mag-jowa. Kung single ka lang, imposibleng mangyari sa’yo ‘to.

Pagkatapos ng bawat ulan ay sisikat ulit ang araw — lalo na kung sa gabi umulan.

At kaya tinatapos ang isang sulatin ay dahil kailangan ng ipasa o may bagong temang naiisip

— at pwede ring dahil wala ng kwenta gaya nito.

😀

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s