‘Wag mong itanong sa akin

 

 

May mainit na usapin ngayon na kumakalat sa internet.

Hindi ko alam kung sino ang nagpasimula nito pero ang alam ko eh sa isang myembro ng group ko sa isang social networking site.

Isang malaking usapin na masarap pagaksayan ng oras lalo na kung wala kang magawa.

Isang kaibigan ko din ang nagtanong kung ano ba talaga ang pinaguusapan na ‘yon. Dahil gusto ko ring makatulong sa aking kaibigan, bibigyan natin ng linaw ang usapin.

Paunawa:

Ang susunod na babasahin ay hindi angkop sa mga taong mababaw ang pangunawa at masyadong seryoso sa buhay. Patnubay ng moralista ay hindi kailangan.

Eksena sa isang grupo:

boy_kagat: ayos ‘to para mas masaya ang kwentuhan tungkol sa mga HP dyan… lol!

boy_tu: ayan nnmn ung HP…

boy_tambling: tama.. gusto ko yan.. pra mas lumalim at lumawak ang mga usapin.. baken ga.. eh un favorite topic ntin eh.. d mo kc alam feeling…. hahahah

boy_kagat: ang HP ang pinakamabuluhang usapan ngayun… heheheh

boy_tambling: tama tama…

boy_kagat: wag kang ganyan malay mu c boy_tu pala ang my pinakamasarap n axperience tungkol sa HP… bka di lang yan ngkukwento…. kwento ka na boy_tu….. peace…. lol….

boy_tambling: oo nga.. dami sikreto yan eh..

boy_tu: wla nmn akong kkwento… pra nmng hnd nyo alm ang buhay ko… mxdo kau…ako pa ang mlihim… =P

boy_subo: hahahha.. kau pinagatutulungan nio si boy_tu

boy_tu: un…my ngtanggol din…bka nmn s umpisa mo lng ako pgttanggol boy_subo…huhuh… =(

boy_subo: ndi ah! hehhe..ndi kse ko makarelate s kanila.hehe

boy_kagat: weehhhhh… boy_subo…. stop me…. anung ndi makarelate….. c boy_bangas ang ang master guru pero ikaw ang best performer…. lol…..

boy_subo: Huh????????? eh ni ko nga alam yan pinaguusapn nio HP HP.

boy_tinik: matanung ko nga… anuh ba yng HP n yan? di ako makarelate din

boy_tambling: lol wag k n nga mgtanong jan boy_tinik..

Sa puntong ito, puputulin ko na ang walang kwentang pailitan ng salitaan upang bigyang linaw ang isyu.

Para sa mga tulad ni boy_subo at boy_tinik na nalalabuan kung ano nga ba ang “HP” na pinaguusapan sa itaas, ito ang kasagutan.

Ito ay isang bahagi ng katawan ng isang tao, specifically sa babae. Ang ka-partner nito ay “HT” na para naman sa mga lalaki.

Siguro ngayon eh medyo nakukuha mo na kung ano ‘yung “HP”. Pero kung hindi pa rin eh itutuloy natin.

“HP” ang tawag kung ang parte na ito eh laging solb tuwing nagagamit. Pareho din ng “HT”.

Parang ganito:

Sis 1: Oy Sis! Kamusta date nyo kagabi?

Sis 2: Eto, “HP”. Hihihihihihihi…

Sa simpleng usapan, alam mo na agad kung ano ang ibig sabihin.

Maitatanong mo pa din siguro kung anu ba ‘yung “H” sa “HP”?

Ang ibig sabihin ng “H” ay happy. Kung bubuuin natin ang “HP” ay “Happy P”.

Kung hindi mo pa rin nakuha, hindi ko na alam kung ano pa ang gusto mo.

Pero bakit nga ba naimbento ang salitang ito?

Hindi ko rin alam kung bakit.

‘Wag mo na ding itanong kung sino ang nagimbento dahil hindi ko din alam ang sagot.

😀

 

Advertisements

5 thoughts on “‘Wag mong itanong sa akin

    1. mikkimao May-akda ng Post

      hahahahaha! salamat ha… baka gusto mong magtayo ng fans club para sa akin… ikaw ang presidente at ikaw lang din ang myembro… 😀

      salamat ulit at sana eh mapadalas ang pasyal mo… 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s