The Return of the Comeback!

 

 

Matapos ang ilang araw na pagkawala sa tambayan, muling nagbabalik ang isang panggulo.

Ilang araw din akong hindi na kabisita sa tambayan.

Hindi dahil nang gatecrash ako sa mga Halloween Parties, kundi dahil nagloko ang aking talapindutan.

Kahit may reserbang talapindutan, hindi naman pwedeng magbukas ng bahay.

Naka-block ata ang ibang site dun at Pesbuk lang ang pwede mong pagtyagaang buksan.

Ilang araw din akong nagtiis.

At ngayon, kahit may tama pa ng konti ang talapindutan, ayos lang.

Walang masyadong kakaibang nangyari sa akin nitong nakaraan.

Siguro gaya ng ilang sa mga katropa natin, hindi rin ako nakapunta sa sementeryo dahil sa walang humpay na buhos ng ulan. Ipinagdasal ko na lang sa bahay ang mga kaluluwa ng mga namayapa kong mahal sa buhay — gaya ng madalas kong ginagawa.

Ano bang ang naging day-to-day activities ko nung hindi ako nakakatambay dito?

Lapit ka kwento ko sa’yo para naman hindi masayang ang pagpunta mo dito.

Kuwari na lang eh may kwenta ang sasabihin ko sa’yo.

Halika…

Sunday, Oct. 31. Gabi.

Matapos i-restart ang talapindutan, ayaw nang mag-boot.

Ayos!

Tawag agad sa back-up.

Nagtanong kung anong pwedeng remedyo.

Patingnan ko daw muna sa binilhan dahil baka ma-void ang warranty kung papakilaman agad.

Wala akong nagawa.

Nanood na lang ako ng mga Halloween Special sa T.V.

Sakto ang palabas sa T.V., nakakatakot at malakas ang ulan.

Magandang setting para sa isang paranormal na pangitain.

Awa ng Diyos eh wala namang kakaibang nangyari.

Monday, Nov. 1.

Malakas pa rin ang ulan nung gumising ako.

Inabot na kami ng hapon sa paghihintay sa pagtila ng ulan para makapunta sa sementeryo.

Nung tumila ng konti, bumanat na kami ng alis.

Dumaan muna kami sa bahay nila ermat para makikain — at dun na ulit inabot ng ulan.

Handa na ang isa kong pamangkin para sumama sa amin sa sementeryo. Pero dahil sa may kalakasan ang ulan, sinabi ko na hindi na kami matutuloy.

Bilang pampalubag loob sa pamangkin ko na nagbihis pa ng husto na parang sa party pupunta, sinabi ko sa kanya na hayaan na lang nya na ang mga kamag-anak na lang naming namayapa ang dumalaw sa kanya.

Matapos ang ilang araw na pag-ulan, sumikat na ulit ang araw.

Kasabay ng pagsikat ng araw eh ang pambubulabog ko ulit dito.

Naging malagkit ang Undas ng karamihan sa atin dahil sa mga suman, sinukmani at kung anu-ano pang kakanin na inihanda noong Undas na  hindi ko alam kung ano ang sinisimbulo.

At dahil na rin sa mga putik sa mga sementeryo dahil sa ulan.

At sa muling pagbabalik ng panggulo, siguradong  bubulabugin ko ulit kayo!

😀

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s