Poste ko ‘to, ‘Wag kang magulo!

 

Sa ilang buwan na pagtamabay ko dito sa loob ng blogsphere.

Isa lang ang napatunayan ko.

May RESPETO sa isa’t-isa ang mga may bahay dito. Pati na rin syempre ang mga bisita.

Hindi ko alam kung dahil pare-pareho tayong Pinoy dito o dahil hindi ko alam kung bakit ganun?

Siguro dahil alam ng bawat isa na pumapasok dito na kailangan mong magbigay respeto sa mga may bahay man dito o maging sa mga bisita.

Minsan napasyal ako sa isang poste ng isang blogger pero nakikiposte lang sya sa isang may bahay.

Dun ko nakita ang kaibahan ng mga nagiging bisita natin dito.

Kasi sa posteng ‘yon, may isang bisita na nagpakilala bilang si Anonymous, pero niyari nya ‘yung may poste. Kinuwesto ng bisita ang poste ng blogger na ‘yun. Tungkol sa isang genre ang poste at sinabi ng bisita na nagkukunwari lang ang may akda na alam nya ang laman ng kanyang poste.

Siguro nga kasi, hindi naman sa may akda ang bahay — naki-poste lang sya. Pero tingin ko hindi pa rin tama ‘yon.

Kahit pa sabihin nila na opinion ‘yon ng bisita, hindi pa rin pwedeng basta kwestunin ang may akda. Opinion din ng may akda ang isinusulat nya sa bawat poste nya. Kung ano ang lumabas sa utak nya, ‘yun ang ilalagay nya sa kanyang poste. Kung ano ang pananaw nya o interpretasyon sa isang bagay eh ‘yun ang sasabihin nya — kung ‘yun ang gusto nya.

Katulad ng mga kapitbahay natin dyan. Tuwing binabasa ko ang mga gawa nila, ramdam ko ang sinseridad ng bawat salita at pangungusap. Wala din ata akong nabasa na komento ng mga bisita nila na may violent reaction sa kanilang mga poste.

Maging kwentong buhay, bahay, eskwela, pamilya, kaibigan o pag-ibig. Kwentong hango sa tunay na buhay nila, buhay ng kapitbahay nila, buhay ng kakilala nila o kahit kaninong buhay. Kwentong kathang-isip o kwentong naikwento lang din sa kanila o kahit anong lumabas sa utak nila, ‘yun ang mababasa mo sa mga poste nila. At walang masama dun!

Nagpahayag sila ng kanilang mga saloobin ayon sa kanilang tunay na nararamdaman at kung ano ang kanilang pananaw.

Ilan sa mga ni-raid kong kuta eh talaga namang maganda ang mga laman. Kung natuwa ako sa nabasa ko, mag-iiwan ako ng kalat — pede ring hindi. Kung hindi ko naman trip, ayos lang. At least nalaman ko ang saloobin nila at nasa utak nila ng mga sandaling ‘yon.

Madalas kong bisitahin ang kuta ng mga kapitbahay natin dyay. Pero ang isa sa mga gusto kong bahay eh ang The BODY ni Sir Daniel. Hindi ko man laging nabibisita ang bahay nya, hanga pa rin ako sa mga poste nya. Galing kasi sa puso nya ang bawat poste nya. Kung ano ang nararamdaman nya, ipinagsisigawan nya sa kanyang poste. Ganun din mga trip ko eh. Minsan kwentuhan din kita ng mga ganun. ‘Yung mga kwentong galing sa kaluluwa ko. Bisitahin mo minsan ‘yung kuta nya para malaman mo ang pinagsasabi ko — pati na rin ‘yung ibang kapitbahay natin dyan.

 

At pagkatapos ng mahaba kong paglilibang sa sarili, mabalik tayo sa isyu ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko ng mga panahon na nabasa ko ang komento ni Anonymous. Pero sigurado akong wala syang sariling bahay dahil hindi nya alam ang pakiramdam. Iginagalang ko din naman ang opinion ni Anonymous. Kung ‘yun ang gusto nyang sabihin, bahala sya, karapatan nya ‘yun. Malaki na sya para magdesisyon sa kanyang sarili. Pero gusto ko lang ulit sabihin kay Anonymous kung sino man sya, ang nabasa mo eh opinion din ng may-akda.

Medyo mahabang debate ang pwedeng mangyari dito pagnagkataon. Buti na lang at may sarili akong bahay at mababait ang mga kapitbahay ko at mga bisita.

Ilang poste na din ang napuntahan ko na napuntahan na din nitong si Anonymous. Minsan mabait naman sya pero madalas eh balahura kung makapagkumento. Hindi ko alam kung nagmamagaling o wala talaga syang alam. Hindi makatarungan madalas ang kanyang kumento at mukhang nang-aasar lang ang kanyang mga sinasabi.

Mensahe ko lang ulit sa’yo kung sino ka mang Anonymous ka.

Hindi makatarungan ang ginagawa mo sa mga poste ng may bahay.

Una, dahil hindi ka pinilit na basahin kung ano mang isinulat nya.

Nagkusa kang bumisita sa kanyang bahay at nagbasa ng kanyang poste.

Pangalawa, nakikibasa ka lang, ‘wag kang magreklamo.

Kung hindi mo nagustuhan ang isinulat nya, gumawa ka ng sarili mong bahay at dun ka magsulat kung ano ang gusto mong mabasa.

Kung maliligaw ka dito sa kuta ko,

 

‘Eto lang masasabi ko sa’yo…

 

Poste ko ‘to, ‘wag kang magulo!

 

 

 

 

😀

 

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s