Oo, Mayabang ako!

Mayabang daw ako sabi ng mga kaibigan ko.

Mayabang daw ako kasi, kahit may pamilya na ako, hindi ako basta-basta tumatanggi sa kanila tuwing nag-aaya silang lumabas.

Mayabang daw ako dahil kung makapaghamon daw ako ng inuman eh parang wala akong pamilya.

Inabot kami minsan ng madaling araw sa pagtambay ng mga kaibigan ko. Nung pauwi na kami, tinanong nila ako kung hindi daw ba ako mapapagalitan ni Kumander. Sabi ko lang eh, “Ako pa? Bakit naman?”.

Mayabang daw ako — sabi nila.

Hindi ko alam kung bakit nila nasasabing mayabang ako pagdating sa mga ganung bagay.

Siguro dahil nagagawa ko pa din ang bagay na ‘yun.

Dalawa lang naman ang dahilan eh.

Una, dahil kaibigan din sila ni Kumander.

Pangalawa, dahil minsan lang naman kami lumabas at mag-inom.

 

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako mayabang.

Nagmumukha lang akong mayabang, pero hindi talaga.

 

Hindi naman talaga ako mayabang…

 

Maswerte lang talaga ako.

 

Maswerte ako dahil mabait si Kumander.

Maswerte ako dahil nauunawaan nya ako.

Maswerte ako dahil nasasakyan nya ang mga trip ko.

Maswerte ako dahil naiintindihan nya ako.

Maswerte ako dahil pinagtityagaan nya ako.

Maswerte ako dahil sya ang Kumander ko.

 

Hindi ako mayabang.

Maswerte lang.

 

Pero para sa mga kaibigan ko na alam kong hindi pa rin matanggap na hindi ako mayabang.

Sige na.

Mayabang na ako.

Ipagyayabang ko na dito…

Ipagyayabang ko na dito kung gaano ako kaswerte at kasaya dahil nakilala ko si labopmylayp

Ipagyayabang ko na dito kung gaano ko sya kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya…

 

labopmylayp,

Salamat sa pagtityaga mo sa akin.

Salamat sa pagsakay mo sa mga trip ko.

Salamat sa pagpulot mo sa akin sa ilang beses kong pagkakadapa.

Salamat sa pagmamahal, pangunawa at suporta.

Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin kung gaano ako kaswerte.

Salamat at pinabayaan mo akong ipagyabang kita sa lahat.

Salamat sa lahat…

Oo nga pala, HAPPY BIRTHDAY ha! Pasensya ka na at wala akong regalo — ulet.

Alam mo namang puro ang ako yabang eh.

Sana maging masaya kahit wala akong regalo sa’yo.

Mahal na mahal kita at HAPPY BIRTHDAY!

 

Inuulit ko,

Hindi ako mayabang,

Maswerte lang…

😀

 

P.S.

Sa lahat ng nakakabasa nito, pumunta kayo dito sa bahay mamya.

May konting salu-salo.

Basta bring-your-own-baon.

 

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s