Happy Birthday na lang…

Birthday ngayon ng isa kong kaibigan. Ngayong lang sya nagdiwang ng birthday nya na malayo sa amin. Malayo sa pamilya, kaibigan at mga kakilala. Alam kong may lungkot syang nararamdaman ngayon kahit pa sabihin natin na dapat syang magsaya dahil umabot sya ng edad nya ngayon.

Wala akong masyadong interesanteng kwento tungkol sa kaibigan kong ito. Madalas kaming magkasama noon. May mga alam sya tungkol sa akin na walang ibang may alam at ganun din naman ako sa kanya.

Simula highschool, kasama ko na ang kaibigan kong ito. Pero hindi ko alam kung bakit wala ata akong maikwentong maganda tungkol sa kanya ngayon.

Siguro sa mga susunod na araw, may maikukwento din ako sa inyo tungkol sa kanya. Pero sa ngayon, wala pa.

Gusto ko muna sigurong magbigay ng mensahe sa kanya.

Pare, alam kong iba ang pagdiriwang natin ng kaarawan mo ngayon kung nandito ka lang.

Tulad ng dating inuman.

Kwentuhan.

Tawanan.

Pero kahit malayo ka sa amin ngayon ng iba nating mga kaibigan, sa pamilya mo at minamahal, sana’y maging masaya ka pa din dyan.

Bawi ka na lang pag-uwi mo. 😀

Una ito para sa ating lahat.

Iba talaga kung magkakasama pa rin tayo.

Di bale pare, may Facebook naman at Skype eh.

Barik-chat na lang ulit.

Mula dito sa amin ng mga pamilya mo, kaibigan, kakilala at minamahal…

Happy Birthday na lang….

Ingat ka lagi!

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s