Naisip mo rin ba?

Sa araw-araw, madami tayong nakakasalamuhang mga tanong. Mga tanong na bigla kang matitigilan at mapapasabi ng “Oo nga noh?!”. Minsan parang mahirap hanapan ng sagot ang mga tanong na naiisip natin. May mga tanong na mahirap ipaliwanag.

Madalas akong makaisip ng mga ganitong klaseng tanong. Halimbawa, bakit kapag ang isang tao eh tulog, tatanungin pa natin kung tulog na sya? Kahit kita na natin na natutulog eh magtatanong pa. Siguro nga karaniwan na sa atin ‘yun. Parang initial reaction.

May mga tanong din ako minsan na hindi ko alam kung paano hahanapan ng sagot. Halimbawa ulit, Kung ang plural ng tooth ay teeth, bakit toothpaste ang tawag? Siguro ang nakaimbento nito eh isa lang ang ngipin at ang unang gumamit eh isa lang din ang ngipin. Pwede rin naman na pangit kasi kung “teethpaste” ang tawag natin. Parang nakakaloko kapag ganun ang tawag natin.

“Pabili nga pong “teethpaste” “.

Pero mukhang ayos din kasi mapapangiti ka kapag sinabi mo ang “teethpaste”.

Subukan mong sabihin ang “teethpaste”.

Napansin mo bang para kang nakangiti?

Ganito din sa kaso ng toothbrush.

Bakit hindi teethbrush ang tawag?

Dahil ba mas naunang naimbento ang toothpaste?

Pangit nga naman kung ang lalagyan mo ng toothpaste eh teethbrush.

Pero sa tingin ko eh dahil nasanay na din tayo na ganun ang tawag natin sa mga ‘yan kaya kung papalitan man natin eh parang nakakatawang pakinggan.

May nagtanong din sa akin dati na bigla na lang din akong napaisip. Matagal na rin naitanong sa akin ‘yon pero hanggang ngayon eh hinahanapan ko pa ng sagot.

Bakit sinasabi natin na nakikipagtalo?

Bakit hindi nakikipagnalo?

Kung susuriin nating mabuti, kung may dalawang tao na “nagtatalo” o “nagnanalo”, nagpapalitan sila ng mga sariling opinyon nila. Nagpapagalingan para may manalo.

Hindi ka naman nakikipagtalo para matalo.

Nakikipagtalo ka para manalo.

Bakit hindi “makipagnalo” ka na lang?

“Huwag ka ng makipagnalo sa ‘kin at matatalo ka lang.”

Pwede!

Sa ngayon eh medyo binabawasan ko ng mag-isip ng mga ganitong klaseng tanong. Pakiramdam ko kasi eh nalaki ang ulo ko na parang sasabog. Malimit din sumakit ang ulo ko sa ganitong klaseng tanong kaya pinapabayaan ko na lang. Hindi naman siguro ako magiging magandang lalaki kapag nahanapan ko ng sagot ang mga ‘to eh.

Naisip ko lang naman…

Ikaw?

Naisip mo rin ba?

šŸ˜€

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s