Road Trip

 

Nagkayayaan kami ng barakada ko na pumunta ng Quezon last week. Road trip lang. On the way, may nadaanan kaming bagong tayong gasolinahan.

Sakto!

Sumasakit na ang tiyan ko at kailangan ko munang mag-deposit.

Stop-over muna sa gasolinahan.

Mabango at malinis ang C.R. Naging aktibo lalo ang pag-aalburuto ng tiyan ko.

Punta ako sa pinakadulong cubicle para hindi dyahe kung may biglang pumasok.

Syeeeet!

Sarado.

May nakauna na pala sa gusto kong pwesto. Relax lang. Punta ako sa sumunod na cubicle.

Ayos!

Nakaupo na ako sa trono. Mahinhin na pinakakawalan ang mga munting utot para hindi masyadong nakakahiya dun sa kabilang cubicle. Pero hindi ako nagtagumpay. May nakalusot na isang buong utot!

Syeeet ulet!

Nakakahiya!

Pero nagulat ako ng biglang nagsalita ang nasa kabilang cubicle.

“Pare, kamusta?” sabi ng nasa kabila.

WTF?!? Ako ba ang kausap nito? Hindi ko alam kung lalabas na ako kahit hindi pa ako tapos at hindi pa naghuhugas. Medyo awkward ang sitwasyon. Pero dahil hindi naman nya nakikita kung sino ako, ayos lang.

“Ayos naman pre” sagot ko sa kanya.

Akala ko dun na matatapos ang usapan namin. Pero bigla pang humirit.

“Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong nya ulit.

Syeeet!

Personal na ah.

Sabi na nga ba, dapat eh nagbawas muna ako sa bahay bago umalis eh. Pero cool pa din. Malapit na din naman akong matapos kaya sumagot na lang ulit ako.

“Eto, gaya mo, tumatae.”

Pero nag-iba bigla ang tono nya. Na-offend ko ata. Natakot naman ako na baka biglang sipain pabukas ang pinto ng cubicle ko o kaya ay biglang sumilip sa taas.

Bigla nyang sinabi na:

“Pare, tawagan ulit kita mamya. Nasa C.R. lang ako. May gago sa kabilang cubicle na sagot ng sagot sa mga tanong ko sa’yo eh.”

 

 

 

😀

 

Advertisements

3 thoughts on “Road Trip

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s