Basahin Mo Kung Gusto Mong Masayang Ang Oras Mo

 

Umaga.

Pwesto sa labas ng bahay.

Aayusin ang notebook sa isang bilog na lamesa sa may terrace.

Ihahanda ang ashtray.

Ilalabas ang yosi, kape at cellphone.

Bubuksan ang notebook.

Maglo-log in sa Facebook.

Check ng mail sa Gmail at Yahoo.

Bibisita sa mga paboritong tambayan.

Bubuksan ang sariling tambayan.

Magiisip ng bagong pwedeng ikwento.

Mag-iisip ng mga bagong puna.

Mag-iisip ng bagong issue.

Mag-iisip kunwari ay may isip.

May naalalang kwento.

Tuloy tuloy ang pag-ta-type sa keyboard para kunwari eh mabilis magtype.

Tuloy-tuloy lang.

Mahaba na ang naisulat.

Biglang titigil.

Ctrl+A.

Del.

May papasok ulit na idea.

Type ulit.

Tuloy-tuloy.

Mahaba na.

Yosi.

Matitigilan.

Babasahin.

Ctrl+A.

Del.

Matitigilan.

Matutulala sa kawalan.

May maiisip ulit.

Type.

Tuloy-tuloy.

Matitigilan.

Buburahin ang ilang pangungusap.

Type ulit.

Tuloy-tuloy.

Matitigilan.

Babasahin.

Ctrl+A.

Del.

Ilang beses.

Paulit-ulit.

Sumasakit na ang ulo.

Laging iba ang tina-type ng daliri kesa sa gusto sabihin.

Masakit na ang mga daliri sa paulit-ulit na proseso.

Aayaw.

Bukas na lang ulit.

πŸ˜€

Advertisements

2 thoughts on “Basahin Mo Kung Gusto Mong Masayang Ang Oras Mo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s