Should I Give or Should I Take

 

 

Kamusta mga katambayers?! Matagal din akong nawala sa tambayan natin. May konti kasi tayong pinagdadaanan ngayon eh. Sigurado akong namiss nyo ako. ‘Yung alter-ego ko ‘yung nag-update nitong tambayan natin para naman malibang kayo habang wala ako. Anyways, may isa ulit tayong tambayers na nagpadala ng email. Medyo malabo ang intindi ko sa gusto nyang mangyari pero dahil anything goes naman here (arte noh?!), pagbibigyan natin sya. ‘Eto sabi ng katambayers nating si angemotera:

dear kuya mao,

kwento ka naman…

topic: give and take

ayon sa karanasan mo…

para mas masaya…

salamat…

angemotera

Salamat ng marami sa’yo angemotera. Pasensya ka na at medyo malabo ang pagkakaintindi ko dito sa email mo. Anyways, magkukwento pa rin ako dahil hindi naman tayo madamot.

Para sa akin, give and take ang isa sa mga pinakaimportanteng sangkap kahit saang relasyon. Isa ito sa natutunan ko sa buhay kahit hindi yata itinuturo sa school. Nung nag-aaral pa ako, wala yata akong narinig kahit sa mga Religion Subject na kailangan ay give and take relationship. Simula elementary, laging sinasabi na magbigay ka.

Ipahiram mo ang mga gamit mo.

Mag-share ng laruan mo.

Magbigay ka ng pagkain.

Ipahiram mo ang toothbrush mo,

Pero ‘wag mong i-se-share ang jowa mo at ‘wag ka ring makiki-share.

Hindi masamang magbigay, magpahiram o magshare.

Isa ito sa magandang ugali nating mga Noypi.

Kaya lang hindi naman din dapat lagi na lang tayo ang nag-gi-give o nagbibigay. Dapat marunong din tayong mag-take.

Hindi naman ibig sabihin nito eh kaya ka lang nagbigay eh dahil naghihintay ka ng kapalit. Dahil hindi ka naman talaga nagbigay para sa kapalit.

Ibig sabihin lang nito eh kailangan iisipin mo din ang sarili mo pagminsan.

Base sa aking karanasan, naging applicable ito sa aking romantic relationship.

Kung may gustong gawin ang aking jowaers, pinagbibigyan ko sya. Kung ano ang gusto nya, ibinibigay ko. Ganun lang ako lagi. Dahil syempre gusto ko eh maging masaya sya. Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, why not chocnut?! Kahit tinatanong nya ako minsan kung gusto ko din ‘yun o kung ano naman ang gusto ko, sinasabi ko lang eh kung ano din ang gusto nya. Kung gusto nyang pumunta sa ganito, pupunta kami sa ganun. Kung gusto nya panoorin ang ganito, ‘yun ang panonoorin namin. Kahit iba ang gusto ko minsan, hindi ko sinasabi. Sa madaling salita, puro lang ako give — noon.

Sa pagtalagal, dun ko natutunan na hindi rin nga tama ‘yun. Kasi pagdumating ang time na nag-away kami, dun na lalabas ang mga time na nag-give ako. Lumalabas na ‘yung mga sumbat na alam naman natin na hindi maganda at tama. Kung puro ka naman take lang, ganun din ang mangyayari sa bandang huli. Pwedeng dumating sa point na isumbat nya lahat sa’yo ng pagbibigay nya. Kaya nung mga sumunod na relationships ko, natuto ako na kung ngayon eh sya ang pinagbigyan ko, sa susunod ako naman ang pagbibigyan nya.

Sabi ko nga kanina, hindi naman tayo nagbibigay para sa kapalit. Mararamdaman mo ‘yun kung kailan mo kailangang mag-give at mag-take.

Siguro lahat naman ng tao eh ganun ang gustong set-up.

Give and take.

O meron pa rin talaga na ang gusto lang eh puro take.

That’s bad!

Sana eh maisip nila na hindi dapat ganun bago mahuli ang lahat.

Tulad sa negosyo, hindi ka lang dapat puro bigay ng benefits sa mga tao mo kung ang performance naman nila eh ganun pa din. Wala kang nakukuha sa pagbibigay mo.

Tulad sa email na ito. Humingi ka ng kwento, nagbigay ako.

Humingi din ako ng kakwentuhan at may nakipagkwentuhan din naman.

Give and take is like a win-win situation.

Dapat sa bandang huli eh pareho kayong makikinabang.

Hanggang dito na lang muna siguro. Sana eh nasiyahan ka sa aking naibahagi. Kung hindi ka satisfied, email ka lang ulit. Sana eh mas specific sa susunod para mas masaya.

Salamat ulit sa’yo, angemotera. Huwag ka sanang magsasawang makipagkwentuhan. Subukan mo ding bisitahin ang iba nating mga katropa dito sa Blogsphere.

Hanggang sa muling pagkukwentuhan!

Ang Iyong Kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Open-mouthed smile

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s