Sa araw na ito…

 

 

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na alaala sa kanya eh nung binigyan nya ako ng laruan nung birthday ko.

Bata pa ako noon.

Matapos ang kaunting salo-salo namin, lumabas sya ng bahay. Maya-maya tinawag nya ako. Lumabas naman ako. Inabot nya sa akin ang isang laruan. Dahil bata pa ako noon, natuwa naman ako. Pamilyar ang laruan na iyon. Parang nakita ko na ‘yon kani-kanina lang.

Tama!

‘Yon ‘yung laruan na libre sa toothpaste na binili nila ni ermat kanina. Ibinigay nya sa akin bilang regalo.

Solb na ako dun.

Kung mga kapatid ko ang nakakuha nun, malamang wala akong laruan. Madalas kasi kaming mag-agawan ng mga utol ko sa mga libreng laruan sa toothpaste, sabon o kahit saang produkto basta may laruan libre. Dahil ako ang bunso, hindi ko na naabutan ang mga laruan.

Wala pa din permanenteng trabaho nun ang erpat ko.

Pintor sya pero kapag may nagpapagawa lang tsaka lang sya kumikita.

Nung panahon na ‘yun, hindi ko alam kung bakit parang naiintindihan ko ang sitwasyon nya. Siguro dahil nasanay lang din kami na kung anung meron eh ‘yun ang pag-tyagaan.

Hanggang ngayon, naaalala ko pa din ang bangko na inuupuan nya nung ibinigay nya sa akin ‘yung regalo nya. Naaalala ko ang posisyon nya sa upuang iyon nung binigay nya sa akin ‘yung regalo.

Wala na ngayon ‘yung laruan pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkakataong iyon.

Pagkaraan ng ilang taon, nagkaroon sya ng pagkakataon para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Nasa highschool na ako nun.

Nagkataon naman na nagsarado ang tahian nila ermat.

Kailangang magsakripisyo para sa aming magkakapatid.

Lumipad si erpat papuntang ibang bansa.

Pero bago sya umalis, may pinapirmahan sa akin.

Life insurance.

Ikinuha nila ako ni ermat ng life insurance ko.

Maliit na bagay siguro sa iba pero iba ang dating para sa akin.

Nakatapos ako ng highschool ng wala ang erpat ko sa graduation ko. Si ermat lang ang kasama ko nun. Si ermat ang nagluto ng handa ko.

Bumawi din si erpat nung nasa ibang bansa na sya.

Dahil naging patok nun ang celphone at nagsisimula na akong yumabang, nag-request ako ng celphone kay erpat. Sabihin ko daw kay ermat at magpapadala daw sya ng pera pambili ng celphone. Siguro para sa mga kabataan ngayon eh napakasimple nun. Pero kung sa sitwasyon namin noon, ang mapagbigyan ako sa ganung kahilingan eh napakalaking bagay para sa akin.

Hindi nagtagal, umuwi si erpat dahil nagkaroon sya ng sakit. Kailangan nyang magpagaling dito. Nasa college na ako nun. Muntik na akong tumigil sa pag-aaral dahil dun.

Pagkatapos nyang magpagaling, lumipad ulit sya papuntang ibang bansa. Tuloy lang ako sa pag-aaral kahit madalas eh paggala lang ang nangyayari pero sa bandang huli eh nakatapos din naman.

Umuwi si erpat nung makatapos ako ng college. Nagnegosyo sila ni ermat.

Mabilis ang takbo ng panahon.

Nagkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay ng mga utol ko.

May isang pagsubok na dumating sa buhay ko na kung hindi dahil kila erpat at ermat eh hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

Gulong-gulo ako nun sa buhay ko.

Hindi palaimik si erpat kahit dati pa.

Hindi rin kami mahilig magkwentuhan ng buhay buhay namin.

Buhay siguro ng mga kakilala namin pwede pa naming pagusapan. Pero hindi sya nagtatanong sa akin kung kamusta na ako. Kamusta na ang buhay ko. Ganun din ako sa kanya.

Naging pinakakwento na nya siguro sa akin dati eh ‘yung mga kwentong barbero nya. Mga kwentong patawa. Pero personal — wala.

Si ermat ang madalas kong kakwentuhan. Si ermat ang madalas kong unang sinasabihan ng mga saloobin ko. Hindi malayo ang loob ko sa erpat ko. Hindi ko lang alam talaga noon kung paano ako magbubukas ng topic sa kanya. Kung magkita man kami sa bahay, nagtatanong lang ako lagi kung ano ang pagkain. Kung asan si ermat o kaya sila utol. Parang open-ended question lang lagi ang usapan namin. Ganun lang.

Sa unang pagkakataon na ‘yun, nagsalita ako kay erpat.

Pagod sa trabaho.

Pressure ng personal na problema.

Alam kong hindi ko na kakayaning mag-isa.

Umuwi ako isang araw na litong-lito. Magulo ang takbo ng utak ko nun.

Inabutan ko si erpat sa may garahe.

Nakaupo.

Umupo din ako.

Tinanong ko kung andun si ermat.

Wala daw.

Tinanong nya ako kung bakit.

Hindi na ako nakapagsalita.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.

‘Yun ang unang pagkakataon na umiyak ako sa harap ng erpat ko.

‘Yun ang unang pagkakataon na nagbukas ako ng saloobin sa kanya.

Habang naiyak, sinabi ko sa kanya ang problema.

Para akong bata na nagsusumbong.

Hindi sya nagsasalita. Pinabayaan nya lang akong maglabas ng saloobin. Hindi ako nakarinig sa kanyang ng anumang paninisi. Hindi nya ipinamukha sa akin ang aking mga pagkakamali.

Wala akong narinig sa kanya…

Wala.

Walang iba kundi solusyon.

Solusyon sa problema ko.

Kakausapin nya daw si ermat para matulungan nila ako.

Dumating si ermat at sinabi ko din ang sitwasyon.

Naging maayos ang lahat.

Unti-unting naging maayos ang buhay ko — kahit papano.

Solb ang problema.

Hindi mahilig magsalita si erpat.

Hindi sya mahilig magbigay ng pangaral.

Pero pagnagsalita sya, wala kang kwenta kung hindi ka tatamaan at hindi mo susundin.

Sa araw na ito…

Ang kaarawan ni erpat…

Wala akong maibibigay sa kanyang laruan na libre sa toothpaste…

Hindi ko sya mabibigyan ng life insurance…

Hindi ko sya mabibigyan ng latest model ng celphone…

Alam ko sa mga darating na panahon, matutulungan ko sila ni ermat sa mga problema nila…

Ang kaya ko lang gawin sa ngayon eh ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko sya kamahal at kung gaano ako kaswerte dahil sya ang erpat ko.

Ang kayang ko lang gawin ngayon eh kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kanya — pati kay ermat.

Para sa’yo Daddy…

Isang tagay para sa mga tulong, pangaral, pangunawa at pagmamahal…

Isang tagay bilang pasasalamat ko sa’yo…

Isang tagay sa ‘yong kaarawan…

KAMPAY!!!

Happy Birthday Dad!!!

Salamat sa lahat…

Salamat sa inyo ni Mommy…

Mahal na mahal ko kayo!!!

Isa kang tunay na haligi para sa aking pagkatao!

 

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi kayo ang naging mga magulang ko…

Ilan lang ang napagkwentuhan ko ng istorya sa itaas at hindi ko alam kung alam ‘yun ng mga utol ko…

Malamang alam na nila ngayon!

 

P.S.

Dad, wag nyong kakalimutan ‘yung pulutan natin sa handa nyo. Tsaka ‘yung alak!

 

 

😀

Advertisements

2 thoughts on “Sa araw na ito…

  1. Daniel P. Yuson Jr

    @ Mikkimao..!
    how nice naman..!
    its good to know…
    na…
    ganyan ang…
    feelings mo…
    towards your dad..!
    ang sarap ding malaman na…
    may kuwento ka…
    about him..!
    hanga ako sa mga taong…
    kinikilala ang…
    mga naging…
    kontribyusyon…
    nang mga magulang nila…
    sa kung sino sila…
    sa kasalukuyan..!
    keep it up..!

    PS..:
    salamat sa pag add sa akin sa blogroll mo..!
    i add din kita..! 😉

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s