Don Juan

Humataw ng bonggang-bongga kahapon si Don Juan. Sadyang may kayabangang dala itong si Don Juan. Biruin mo, pumapalo ng hanggang 195 kph ang lakas ng hangin na dala nya.

Isipin mo kung gaano kalakas ‘yun?

Dahil sa kayabangan nyang dala, nagtaas ng storm signal # 4 sa Cagayan at Isabela. Sa pagkakatanda ko, si Mareng Rosing lang ang tinaasan ng ganung storm signal na hindi ko pa rin sigurado dahil bata pa ako nun at hindi ako naniniwala noon na may signal # 4 pala sa bagyo.

Pero medyo nalabuan din ako dito. Kahapon, nasa area of resposibility ng Pinas ‘tong si Don Juan. Hindi masyadong ramdam dito sa ‘min dahil hindi naulan maghapon. Makulimlim pero hindi naulan. Pagdating ng gabi, tsaka pinalasap ang kanyang dalang kayabangan. Bumagsak ang malakas na patak ng ulan. Humampas din ang malakas na hangin. Pero palabas na pala sya ng bansa. Akala ko tuloy eh dumaan dito sa lugar namin para magpaalam.

Ayos din naman ang gobyerno. Naging mga boyscouts na ngayon. Talagang malaki din ang natutunan sa mga nakaraang bisita natin. Nabawasan ang casualties pati mga trahedya sa dagat.

Ang hindi ko lang din maintindihan eh bakit ang iba nating mga katropa sa may parteng Ilocos eh parang walang takot kay Don Juan. Napanood ko sa balita na nagkaroon ng force evacuation para maging ligtas agad sila at maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga maaaring mga biktima. Pero ang iba eh mas pinili pa manatili sa mga bahay nila. Gusto daw nila kasing isalba ang kanilang mga bahay at ari-arian.

Ayos!

Isasalba mo ang bahay mo pero ang buhay ay hindi.

May isa pang hirit — wala naman daw silang pupuntahan.

Anong gusto nilang sabihin?

Pwersahan silang pinapalikas ng gobyerno pero sa kalye lang din sila pupulutin?

Me ganon?!?!

Para sa mga katropa na dyan, malamang may pagdadalhan po sa inyo ang gobyerno kung saan kayo magiging mas ligtas. Hindi naman kayo palilikasin para pabayaan lang. Hindi ko din alam kung sino ang nagbulong sa kanila ng sagot na ‘yon.

Ganito ang hirap sa iba nating mga katropa. Kapag tinutulungan ng gobyerno, ayaw sumunod. Kung anu-ano ang sasabihin at idadahilan. Pero kapag dumating na ang trahedya, sa gobyerno din hihingi ng tulong at gobyerno din ang sisisihin.

Ganyan ang problema sa iba nating mga katropa — matigas ang ulo.

Pero sa awa naman ni PAPA JESUS, hindi naman ganon kataas ang mga casualties. Madaming nasirang pananim at ari-arian pero at least marami pa rin ang buhay.

Unti-unti na ngayong lumalayo si Don Juan sa ating bansa.

Salamat naman.

Tulungan natin ang ating mga katropa sa pag-do-donate ng mga konti nating nakayanan. Bilang pasasalamat na din at hindi natin naranasan ang naranasan nila. Ipagdasal na din natin ang kanilang mabilisang recovery, pag galing ng kanilang mga sugat at pati na ang mga kaluluwa ng mga namatay.

Muling masusubukan ang pagkakaisa nating mga Noypi.

Lahi ng mga Bayani!

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s