Buhay Tambay

Sinasabi nila na masarap daw ang buhay tambay.

Paupo-upo.

Payosi-yosi.

Painom-inom.

Pakwento-kwento.

Mauubos ang araw mo sa ganung routine. Pagdating ng gabi, kakain, manonood ng t.v. Matutulog. Gigising kinabukasan para tumambay ulit.

Pero ano nga bang klaseng buhay meron ang isang tambay?

Naranasan ko nang maging full-time na tambay.

Nung highschool, nakakatambay ako tuwing bakasyon. Nakakatambay pagkatapos ng klase. Naiiba araw-araw ang ruta ko. Minsan tatambay. Minsan gagala. Minsan tutulong sa bahay kapag sinisipag at nauutusan — pero hindi ‘yun madalas.

Ganun din nung college. Pero nung maka-graduate, ilang buwan din ako naging tambay bago nagkatrabaho. Ganun pa rin. Tambay,gala, inom, tutulong sa bahay — minsan.

Nung magkatrabaho ako, minsan na lang makatambay. Kulang ang day-off para sa masarap na pagtambay dahil kailangang gumising ng maaga kinabukasan para magtrabaho. Wala na rin masyadong katambayan dahil may mga trabaho na ang mga dati kong katambayan.

May isa din akong natutunan nung maging full-time tambay na ako. Hindi pala masarap sa pakiramdam.

Oo. Sa una lang masarap. Makakapagpahinga ka. Magagawa mo ang mga gusto mong gawin dati. Wala kang ibang gagawin kundi tumambay. Wala kang ibang iniisip. Parang walang problema. Pero dun palang papasok ang tunay na problema.

Lalo na kung may pamilya ka.

Araw-araw mong iisipin kung anong ipapakain mo sa kanila. Iisipin mo kung anong klaseng buhay ang maibibigay mo sa mga anak mo. Iisipin mo kung anong magiging tingin ng ibang tao sa’yo. Sasagi sa isip mo ang gumawa ng hindi maganda. Miisip mong parang wala kang kwenta. Iisipin mo lahat ng hindi mo dapat iniisip.

Pagtagal ng panahon, maiisip mo, hindi pala masarap ang ganung klase ng buhay. Siguro may makikita ka na mga nakatambay lang lagi sa tindahan pero malamang naiisip din nila minsan na nakakasawa din pala. Para kasing wala kang silbi. Nakakapagpababa ng self-esteem.

Hindi ko din alam kung bakit ‘yung bang tao eh naipagmamalaki pa ang pagiging tambay nila. Parang hindi ko ata kayang ipagyabang ‘yun.

Kapag sinasabi ng mga kakilala ko na buti pa daw ako masarap ang buhay, patambay tambay lang, walang ginagawa. Sinasabi kong mas masarap ang buhay nila.

Paano naging masarap ang buhay ng tambay?

Paano naging masarap ang walang ginagawa?

Hindi masarap ang buhay ng isang tambay. Nakakapagod ang maging tambay. Nakakasawa ang maging tambay. Nakakabagot ang maging tambay.

Mag-relax ang masarap, pero ang pagtambay — hindi!

Sasabihin ng iba na nakakarelax ang pagtambay.

Hindi rin.

Kung sa tabing dagat ka nakatambay, sa plaza o sa mall, pwede mong sabihin na narerelax ka. Dahil magagawa mo lang ito kung part-time tambay ka lang. Nakakatambay ka lang dahil bakasyon o dahil tapos na ang gagawin o dahil day-off mo. Hindi dahil pagtambay lang ang gagawin mo.

Ang mga full-time tambay madalas eh sa harapan ng tindahan mo makikita —  sa mga inuman.

Sila din ang madalas mapagbintangan sa mga kasalanan na hindi naman nila ginawa — dahil tambay lang sila.

Sila ‘yung madalas na hindi makapanligaw ng ayos kasi ayaw sa kanila ng babae o nung magulang nung babae — dahil tambay sila.

Sila ang madalas mapa-away sa mga inuman at dahil sa babae — dahil tambay lang sila.

Pero may maganda pa ring nagagawa ang mga tambay.

Sila ang madalas magkameron ng trabaho galing sa gobyerno — dahil tambay sila.

Sila ang madalas makatulong sa mga nasisiraan at pinagtatanungan ng mga nawawala — dahil tambay sila.

Sila ang madalas makahuli sa mga masasamang loob at unang gumugulpi dito — dahil tambay sila.

Hindi lahat ng tambay eh masama. Hindi ko rin sinasabing masama ang maging tambay. Para sa akin, hindi lang masarap ang maging tambay. Hindi mo rin pwedeng sabihin na masarap ang buhay ng tambay lalo na kung hindi mo pa nararanasang maging full-time na tambay.

Mahirap ang maging tambay dahil wala kang ginagawa — kaya nga tambay ang tawag sa’yo.

Subukan mong gumawa ng wala, tingnan ko kung masarapan ka.

Pabasa para kay Ka Loren

😀

Advertisements

3 thoughts on “Buhay Tambay

  1. Ka Loren

    ha ha ha…parang sinermonan mo ako dito a parekoy, sana maarami pang makakabasa nito at matamaan din ng lintek na tuladko wew!

    salamat kapatid…kung alam nyo lang ang pakiramdam ng tambay, parang nauupos na kandila lalo na’t pandilatanka ng crush mong tsikas. 😀

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s