Wat Chever!

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ako ba ay maiiyak o matutuwa. Pero sabi nga, sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, matutunaw din ang kandila kaya dapat flashlight o gasera ang dala mo. Pero sa hinaba-haba man ng intro ko — wala din akong sasabihin.

Ayon sa ating taga bilang, may 1,000+ na ang dumadaan sa ating tambayan. At alam nyo ba na ang walang kwentang binabasa mo ngayon eh pang 111 na paskil na natin dito? Ang galing noh?! Biruin mo, kaya ko palang tingnan ang tambayang ito ng 1,000+ times mag-isa?! Para may maipagyabang ako na kunwari eh may bumubisita.

Seryoso.

Salamat sa lahat ng walang sawang tumatabay dito. Sana ay lagi kayong bored at walang magawa para kahit paano eh mapagtyagaan nyo ang tambayan na ‘to.

Salamat din sa mga nag-she-share sa Facebook nung mga nababasa nila dito. Ayos ‘yan! Nakakatulong kayo para labanan ang kamangmangan ng sambayanan.

Salamat sa lahat ng sumusubaybay sa mga bagong paskil. Pasensya na kayo at talagang walang kwenta ang mga nababasa nyo dito. Puro may kwenta naman kasi ‘yung mga iba nyong napupuntahan eh. Lalo na ‘yung mga suggested kong tambayan dyan sa tabi. Kung umay na kayo sa mga nababasa nyong may kwenta, sakto ang tambayan na ito.

Kung inaabangan nyo ‘yung mga sulat kay Kuya Mao, sorry pero hindi pa sya mawawala. Nag-leave kasi sya ngayon kaya hindi nya pa siguro nababasa ‘yung mga nagpadala sa kanya ng e-mail. Alam kung nalulungkot kayo dahil babalik pa pala sya — akala ko nga din eh hindi na sya babalik.

Anyways, salamat ulit sa lahat ng mga nakikitambay sa atin araw-araw. Kung gusto nyo pwede rin kayong bumangka ng kwento dito. Sulat lang kayo sa comment o padala nyo sa email ni Kuya Mao. Padala nyo dito: dearkuyamao@gmail.com. Kahit alam kong ayaw nyong malaman eh sinabi ko na din email add nya. Yari kasi ako dun kapag binasa nya ‘to tapos wala ‘yung email nya.

 

Salamat ulit sa lahat ng mga nakikitambay! Sana ay nasisiyahan pa kayo!

Pagtyagan nyo na lang sana ang mga nababasa nyo dito…

SALAMAT ULIT MGA KATAMBAYERS!!!

MAHAL TAYONG LAHAT NI PAPA LORD!!!

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s