May Tanong Ako

Hindi ko lang din maintindihan kung bakit:

  • “third sex” ang tawag sa mga bading at tibo? May tinatawag bang “first sex” at “second sex”?
  • kapag nasa RTW section ka ng palengke, tatanungin ka kung anong hanap mo? Papalag kaya sila kung sasagot ka ng: “away, bakit?” ?
  • may mga nakapikit sa picture? Mas cute kaya sila kapag pikit?
  • may tinatawag na “sweet corn”? Meron din bang “sour corn”?
  • nagkameron ng “seedless” na ubas, kung wala naman ‘tong buto para itanim? Cross-breed kaya ‘to ng saging at mansanas?
  • may mga estudyanteng kulang na lang eh lumubog sa upuan nila katatago tuwing recitation sa klase pero sila pa rin ang natatawag? Mas magaling bang magtago ang nasa unahan nya?
  • kapag naputot ang naglalakad sa unahan nyo ng kabarkada mo, magkakatinginan kayo tapos pigil na tatawa? Bakit ayaw nyo na lang mag-iba ng lane na nilalakaran o kaya ay tumigil tsaka tumawa?
  • mas gusto ng ibang mga estudyante na gawin ang project ng a week before submission na pwedeng gawin a month before? Mas maganda ba ang nagagawa pag ganun?
  • laging nagmamadali ang mga ambulansya? Hindi ba mas magaling kung dinala ng maaga ang sakay nila?
  • minsan pag nag-share ka ng joke na narinig mo, corny lumalabas sa’yo? Dahil ba mas inuuna mo ang tawa mo kaysa kwento mo?
Advertisements

2 thoughts on “May Tanong Ako

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s