Bayan mo, Kalampagin mo

Nanonood ka ba ng balita? ‘Yung T.V. Patrol, pinapanood mo? Alam mo din ‘yung segment nila na Bayan mo, Ipatrol mo? Kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong ko, malamang pareho tayo ng iniisip — pwede ring hindi.

Ang huling kong napanood na report ng bayan patroler eh ‘yung tungkol sa isang hukay na may tubig na malapit sa isang school sa Quezon City. May mga nakatayong ng bakal dun sa hukay pero may tubig. Inereport ng isang hindi nagpakilalang patroler ang nasabing hukay.

Nagbigay ang reaksyon ang principal ng school na malapit sa hukay at sinabing sila nga daw ay natatakot din dahil maaring pamugaran ng mga lamok na may dengue ang tubig sa nasabing hukay. Sinabi din ni Sir Principal na maari din daw pagsimulan ng aksidente ang hukay. Pero bakit kaya hindi sila ang unang nag-report nito sa Quezon City Hall?

Inireport din ang nasabing issue sa Q.C. Engineering Office at nakakatuwa naman ang naging sagot nila.

Ang nasabing lote pala na may hukay na may bakal na may tubig ay gagawin palang school building at tatlong taon na pala itong nakatiwangwang!

Nang kuhanan ng panig ang Quezon City Engineering Office, sinabi nila na nakaroon daw kasi ng problema kaya hindi natuloy ang proyekto. May lumabas daw kasing spring water sa site na pwedeng magpahina ng pundasyon ng building at nagkaroon daw dati ng aksidente doon kung saan dalawang laborers ang namatay.

Ayos na sana ang sagot eh kaya lang humirit pa ulit. Sinabi pa na may paraan daw para maayos ang problema at para maumpisahan ulit ang proyekto. Sinabi nila na kailangan lang daw ay i-back-fill para ma-upset ng lupa ‘yung tubig.

Ayos na!

Alam naman pala nila ang solusyon eh.

Kaya lang bakit nila pinatagal ng tatlong taon at naghintay pa sila ng magrereklamo bago nila aksyunan eh may alam naman pala silang solusyon?

Ang labo din ng mga ito eh.

Kaya pangit ang nagiging tingin ng karamihan sa gobyerno eh. Dahil sa mga ganitong klase ng diskarte. Sino ba ang ginagawa nilang tanga? ‘Yung mga dapat eh pinagsisilbihan nila o ‘yung mga sarili nila?

Alam nilang pwede at may solusyon sila sa problema pero bakit hindi agad ginawa?

Gagawan din pala ng solusyon eh bakit hindi agad ginawa?

Salamat na lang sa isa nating  kababayan na may malasakit sa kapwa at naisipan nyang i-report ang nasabing problema.

Sana ay maging mabuting modelo sya sa bawat isa sa atin kahit hindi sya nagpakilala.

Kalampagin natin ang mga nagtutulog tulugan na mga tao sa gobyerno. Nagpapakahirap tayong magtrabaho para ipasweldo sa kanila dapat naman sana eh nagtatrabaho din sila.

Pero hangga din ako dun sa taga Engineering Office ng Q.C. dahil sa mga nakakatuwa nyang sagot. May pahabol pa na sigurado daw na itutuloy ‘yung solusyon, hindi daw pwedeng hindi itutuloy.

Ganyan ang mga sagot.

Proud na proud.

Hindi nahihiya.

Kung sabagay nga…

bakit nga ba naman sila mahihiya…

eh wala naman silang ginagawang tama?!

 

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s